Ipinapayo ng mga health care expert ang pag-iwas ng mga lalaki na may knee osteoarthritis sa mga sugarpackedsoft drinks. Ito ay matapos lumabas sa makabagong pag-aaral kung saan mahigit 2, 000 katao na dumaranas ng knee osteoarthritis ang inobserbahan, na ang pag-inom ng sugary soda ay may kaugnayan sa paglala ng naturang sakit na karaniwan sa mga kalalakihan. Sinabi ni Bing Lu, MD, DrPh, assistant medicine professor sa Harvard Medical School at associate biotatistician sa Brigham at Women’ s Hospital sa Boston, na pangunahin nilang napag-alaman na ang maraming sugary soda na iniinom ng mga kalalakihan ay lalong makapagdudulot ng panganib sa kanilang
knee osteoarthritis. Ipinaliwanag niya na hindi lang maipapaliwanag ang kaugnayan sa pagitan ng knee osteoarthritis at sugary soft drinks sa pamamagitan lamang ng bigat o weight. Tinutukan aniya ang statistical analysis kung saan tinutukan nila hindi lamang ang general categories ng overweight at obesity, kundi maging ang body-mass indices ng mga pasyente. Nang hatiin at ihiwalay nila ang mga lalaking obese at non-obese, napatunayan ang kaugnayan ng sugary drinks at ang paglala ng pinsala sa tuhod para sa mga non-obese na lalaki. Ipinahihiwatig ng nasabing pag-aaral na lumalala ang knee osteoarthritis sa magkakaibang pagkakataon dahil sa pagkawala at pagkapunit ng litid sa joints, sa pamamagitan ng pagbubuhat ng sobra-sobrang bigat.