^

Para Malibang

GHOST LAKE (34)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

Nagkagulo sa media conference sa munisipyo ng San Isidro. Nagsipasok kasing bigla ang mga kalansay, pasugod sa mga Montalvo.

Nagsikip ang dibdib ng pinuno ng angkan—ang uugud-ugod nang si Ex-mayor Macario. Sina Ex-mayor Eric at Ex-mayor Grego ay namutla sa tindi ng takot.

Ang kasalukuyang mayor, si John Montalvo, ay nanlaki ang mga mata, halos tumayo ang buhok. “I-Imposible ito!”

“Eeeee!” Tilian ang mga babaing taga-media; ang iba pa ay kinunan ang kababalaghan sa kabila ng takot.

Ang pagsugod ng mga kalansay sa angkang Montalvo ay hindi napigil ng mga bala. Bang-bang-bang. Bra-ta-ta-tataat  Prak-kak-kak.

Nakita ng lahat kung paanong dinakip ng mga kalansay ang mag-aamang Montalvo. Pati si Mayor John ay nadakma agad.

Sapilitang pinaluhod at pinayuko ang mga Montalvo, sa ibabaw ng stage ng conference hall.

Isang kalansay ang may dalang matalas na jungle bolo. Nangilabot ang mga tao, nahulaan ang magaganap.

Pupugutan ng ulo ang mga Montalvo.

Biglang nangumpisal si Lolo Macario, ex-mayor. “S-sa Lake Camachile po namin itinatapon ang mga na-rape namin.”

Hindi na rin nakapagkaila si Mayor John. “Kami po ni Hepe a-ang lumuray at pumatay sa limang coed…hindi po namin mapigil ang paghahangad sa mga babae…”

“Nakikiusap po kami sa Kalangitan, bigyan kami ng due process sa korte. Hindi po kami dapat patayin sa ganitong paraan…” umiiyak na pakiusap ni Macario Montalvo.

NAKALIGTAS sa pagkapugot ng mga ulo ang mga Montalvo matapos isa-isang umamin sa krimen. Pero hindi sila nakaligtas sa alagad ng batas.  Ikinulong ang mga Montalvo—without bail.

SA LAKE Camachile, after 2 years, nabigla sina Miss Santos at Paolo sa nakitang larawan sa isang bahay sa coastal area. “Si Dolores nga ito, Quirina! Namatay siya noong 1988! Multo na lang niya ang nakilala natin!”

Natapos ang dynasty ng Montalvo. Nahalal na mayor si Paolo. Naging first lady niya si Quirina Santos. WAKAS (Up Next: Hahanapin Kita)

 

 

vuukle comment

HAHANAPIN KITA

JOHN MONTALVO

LAKE CAMACHILE

LOLO MACARIO

MACARIO MONTALVO

MAYOR

MAYOR JOHN

MISS SANTOS

MONTALVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with