Nagsawa na kay misis

Dear Vanezza,

I’ve been married to my wife for only 2 years. May isa kaming anak. Ang problema ko ay parang pinagsasawaan ko na ang misis ko. And I think malamig na rin ang pakikitungo niya sa akin pagda­ting sa sex. I no longer enjoy sex with her and whenever we have it parang pagsunod na lang sa obligasyon ng mag-asawa. I met my wife in a b-day party of a friend. She’s beautiful at love at first sight ang nangyari sa akin. Niligawan ko siya at after one week, nag-date kami. Later on nagpa­kasal kami. Masaya kami sa first year ng aming pagsasama. Pero after our first baby was born, it seems nagkaroon kami ng panlalamig sa isa’t isa. Is it okay to have flings para mawala ang boredom ko sa sex? Hindi ba natural sa lalaki na paminsan-minsan ay tumikim sa iba? - JL, 30

Dear JL,

Kung pagbabasehan ang dami ng mga lalaking may extra-marital affairs para tawaging “natural” ang bagay na ito, siguro’y natural nga. Pero hindi lahat ng ginagawa ng marami ay tama at matuwid. Paano kung ang misis mo naman ang magsabi na gusto niyang magka-affair sa iba, how would you react? Naniniwala ako na ang nangyari sa inyo ng asawa mo ay hindi love at first sight, kundi attraction at first sight. Ang pag-ibig kasi ay iniuukol mo lamang sa tao matapos na siya ay makilala mo nang husto. Para magtagal ang pag-iibigan, kailangan na magkaroon muna ito ng foundation ng “friendship”. Ang asawa’y hindi lamang love kundi best friend. Kasi ang aspetong sex sa pag-aasawa ay maaring kumupas at kapag walang friendship, you have nothing more to cling on. Just be faithful to one another and know each other better and be the best of friends forever.

Show comments