Kung ikaw ay isang empleyado, huwag magsasabit ng larawan ng isda at waterfall sa iyong likuran. Ang masamang epekto: Hindi ka magiging stable sa iyong trabaho, hindi susuportahan ng iyong boss ang iyong pagsisikap at higit sa lahat magiging mahirap sa iyo na maging close sa mga officemates.
Huwag gumamit ng kulay blue, gray at black sa wall na nasa likuran mo dahil water din ang ibig sabihin nito.
Ang magandang isabit sa likuran ay larawan ng bundok dahil “support” ang ipinapahayag nito.
“Good energy” ang bitbit ng mga taong naglalabas-pasok sa inyong opisina kaya mas mainam na maraming bumibisita lagi sa inyong opisina. Mas maraming taong palakad-lakad sa inyong opisina, mas maraming negosyo ang papasok sa kompanya.
Hindi maganda kung may katapat na wall ang main entrance ng opisina dahil ang good energy na bitbit ng mga taong papasok ay tatama sa wall at hindi niya madadala sa loob ng opisina ang good energy na taglay niya.