No. 5 Person: Kahit walang ‘beauty’

…basta’t may ‘money’

 

Ipinanganak sa 5th day of the month. Mautak at mabilis umaksiyon  basta’t ito’y tungkol sa pagkakaperahan.  Kadalasan ay nagiging matagumpay silang negosyante sa maikling panahon lang. Ngunit kung minsan, sa sobrang pagmamadali na magkamal ng salapi, nakakagawa sila ng mga bagay na labag sa batas. Sa pag-ibig, una muna niyang titingnan ang bulsa, saka na ang hitsura.

Kasundo niya ang number 5, 3, 9  at ang kanilang derivatives. Hindi niya type ang number 2, 4, 7. Tungkol sa kalusugan, mabilis siyang ma-tense at la­ging idadaing ang pa­nanakit ng kasu-kasuan. Susuwertehin tuwing Miyerkules at Biyernes lalo na kung matatapat sa petsang 5, 14 at 23. Magdadala ng suwerte ang diamond na nakadikit sa white gold at damit o gamit na kulay puti. Warning: Huwag mag-aalahas ng yellow gold, malas.

Show comments