‘Myths’ at ‘Facts’ sa constipation (5)

Myth: Naisasaayos ng pag-inom ng kape ang constipation

Ayon sa mga health care expert, totoo na ang caffeine sa kape ay maaaring makapagpasigla sa mga muscles ng digestive system para mag-contract o magdulot ng pagdumi. Pero hindi ito maaaring irekomenda para maisaayos ang pagdanas ng constipation.

Dahil pinatitigas ng kape ang dumi, diuretic ito kung kaya nagiging dahilan din ito para mawala ang likido sa dumi. Kaya kung constipated ka, iwasan ang pag-inom ng kape at ang iba pang mga diuretics gaya ng alcohol o ang caffeinated na tsaa at cola drinks.

Myth: Nakapaglilinis ang colon cleansing

Tunay na nakakapagtanggal ng body waste ang pagsasagawa ng colon cleansing ( enemas o colon irrigation). Pero ayon sa mga expert, hindi ito epektibong paraan para maiwasan o malunasan ang constipation.

Myth: Agad-agad ang epekto ng laxatives

Sinasabing depende ang epekto sa laxative na ginagamit, maaaring maghintay ng ilang minuto o ilang araw para makapag-produce ng bowel movement. Ang suppository ay maaaring umipekto sa loob ng ilang oras. Pero kakailanganin ang pang-forming fiber products araw-araw ng ilang araw bago makita ang resulta.

Karamihan sa mga over-the-counter laxatives ay para lamang sa maiksing panahon ng paggamit. Ang labis na paggamit sa mga ito ay maaaring magdulot ng digestive problems. Tandaan na ang constipation ay karaniwang nalalampasan sa lob ng ilang araw lamang at bibihira lamang ang mga seryosong kaso kaugnay dito.

Makipag-ugnayan sa inyong pinagkakatiwalaang doctor kung kakailanganin mo ng laxatives nang higit sa dalawang linggo. (Itutuloy)

Fact: Ang laxatives ay stool softeners

 

Hinahadlangan ng stool softener ang constipation sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon na makapag-absorb ng maraming tubig ang dumi mula sa colon. Hindi nito hinayaang tumigas ang dumi— madali rin ilabas mula sa katawan ang mas malambot na dumi.

 

Gaya ng iba pan laxatives, ang stool softeners daoat lamang ikonsumo para sa maiksi at dagliang remedyo. Makipag-ugnayan sa pinagkakatiwalaang doctor bago paghaluin ang stool softener o ano mang laxatives at isagawa ang iba pang constipation treatments.

 

May ilang kaso na inirerekomenda ng mga doctor ang stool softener para sa mga surgery patients, na maaaring kailanganin ito para maiwasan ang pagdurugo sa panahon ng pagdumi. May ilang paghhanda kung saan inihahalo ang stool softener sa stimulant laxative para magkaroon ng regular na pagdumi.

 

Myth: Lahat napapagaling ng castor oil

 

Itinuturin na power laxative ang castor oil. Pero gaya ng iba pang laxatives, hindi dapat itong gamitin ng matagal. Dahil ang sobrang paggamit ng laxatives ay makakaapekt sa kakayahan ng katawan na mag-absorb ng nutrients at ilang medikasyon. 

 

Maaaring mapinsala ng castor oil ang bowel muscles, nerves at tissue kung aabuso sa paggamit nito— lahat ng mga ito ay nagiging dahilan ng constipation. Gumamit lamang nito kung may rekomendasyon mula sa inyong doctor.

 

Myth: Pang-matanda lamang ang kondisyon ng constipation

 

Pinaka-prone sa constipation ang mga may edad na, dulot ng kanilang medical condition, mababang pagkonsumo ng nutrition, mas matinding medikasyon na pinagdaraanan o walang sapat na pisikal na aktibidad.  Pero ang constipation ay isa sa pinaka-karaniwang gastrointestinal issue rin sa iba pang age group. Karaniwan din ito sa panahon ng pagbubuntis, matapos manganak o pagkaraan ng surgery. Tandaan lalo na kung ikaw ay nagdadalan-tao ang kahalagahan ng pagkonsiderang hingin ang payo ng inyong doctor sa ano mang magagamit para mapaginhawa ang pakiramdam dulot ng constipation.

 

Myth: Normal lang ang pagkakaroon ng dugo sa dumi

Bagaman hindi laging seryoso ang kondisyon kung saan nagkakaroon ng dugo sa pagdumi, pero importante pa rin na kunin ang atensiyon ng inyong doctor tungkol dito.

Kung ang dugo ay bright red, kadalasan dulot ito ng hemorrhoids o pagkapunit ng anal lining na tinatawag na fissures. Ang constipation at pagdurugo tuwing dumudumi ang maaaring sanhi nito. Kung maroon o tarry black naman ang dugo na makikita o clots, karaniwang nangangahulugan ito na ang pagdurugo ay mula sa mas mataas sa gastrointestinal track. Maaaring ang sanhi nito ay mas seryoso.

 

 

 

 

Show comments