^

Para Malibang

GHOST LAKE (27)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

BINABAYO ng nagmumultong mga kabaong ang pinto ng mansiyon ni Macario Montalvo, otsenta anyos, ex-mayor ng San Isidro. Alam ng matandang ito ang dahilan.

“Sinisingil na ako ng aking kahapon, Trinidad,” sabi nito sa bata-bata pang pangatlong misis.

“M-may atraso ka sa…bayan, Macario?”

Tumango ang super-lolo. “Oo, napakalaking kasalanang naitago ko nang maraming dekada…”

SA iba pang panig ng San Isidro, ang mga anak ni Macario, na nanungkulan ding mayor sa magkakasunod na termino, ay nililigalig na rin ng mga nagwawalang kabaong.

Walang tigil ang pagbayo sa pinto ng bahay nila. Blag-bag-gaagg.

Nasa iisang compound ang angkan ng Montalvo. Nabahala ang mga anak ni Macario.

Ang mga security guards ay walang nagawa.  Nauubos lang ang bala sa hindi matinag na mga kabaong. Blam-bamm-bamm.

Tiyempong nasa bahay na ang mga anak ni Macario nang hatinggabing iyon. Nagmiting agad sina Ex-Mayor Eric, Ex-Mayor Grego at kasalukuyang mayor na si John Montalvo.

“Ano’ng gagawin natin?  Baka maghalungkat ang media!” tanong ni Ex-Mayor Eric.

“Walang aamin! Mamatay na ang umamin!” utos ni Grego.

“Bakit ngayon pa nagwala ang mga kabaong?  Dapat noon pa! Sa inyu-inyong termino!” sigaw ni Mayor John sa uncle at sa ama.

“John, ikaw ang pahamak! Napakarami mong—”

“Stop it, Uncle Grego! Parepareho tayong may dungis! Nagsimula pa kay Lolo Macario!”

“Magpakahinahon tayo, okay?” sabi ni Ex-Mayor Eric. “Magsasawa rin ang mga multong ‘yon!  Wala naman silang magagawa kundi manakot! E di huwag tayong matakot!”

“Tama! Kung makararating ito sa media, e di magiging naiibang tourist destination ‘tong San Isidro! Tatawaging Ghost Town!”

Napaayon si Mayor John. “Tama. At ang Lake Camachile—makikilalang Ghost Lake. Aba, sisikat ang San Isidro!”

ANG HEPE ay napasigaw habang nire-rape si Dolores. “Yaaaahh!”

Naging bungo kasi ang mukha ng dalaga. (SUBAYBAYAN!)

 

vuukle comment

EX-MAYOR ERIC

EX-MAYOR GREGO

GHOST LAKE. ABA

MACARIO

MAYOR

MAYOR JOHN

SAN ISIDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with