NAHALUAN ng galit ang pagnanasa ni Hepe kay Dolores. “Marami ka palang alam, mas dapat kitang patayin! Pero rereypin muna kita!”
“Gago, hindi mo ako puwedeng reypin!” sigaw ni Dolores.
“Gaga! Lahat ng seksing gaya mo, puwedeng puwede!”
SA LOOB ng kubo, tuliro na si Miss Santos, alam na nirereyp na nang mga sandaling iyon si Dolores. Alam ding siya na ang isusunod.
Pilit pa ring kumakawala si Paolo sa pagkakagapos, bigo pa rin. “Ahhh, napakahigpit ng tali! Shit!”
“Sir Paolo, 26 pa lang ako…ayoko pang mamatay…lalong ayokong ma-rape…” luhaang sabi ni Miss Santos, gaya ni Paolo na nakagapos.
SA BAYAN nang mga sandaling iyon, nasaksihan na naman ng mga tao ang lumulutang na mga kabaong. Nakaangat ang mga ito sa lupa sa taas na 12 feet. Iisa ang direksyon ng mga ito.
Ang Montalvo Mansion, tahanan ng Montalvo clan. Narito si Ex-Mayor Macario Montalvo, ang pinakamatandang Montalvong buhay pa. Nanungkulan itong mayor ng San Isidro noong 1970s.
“Sa bahay nga ni Macario Montalvo papunta!” sigaw ng mga saksi.
“Bakit kaya?”
“Katakataka ito! May ipinahihiwatig ba ang mga kabaong?”
“Baka mamamatay na si Ex-Mayor Macario! Sinusundo na!”
SA bukid, malapit nang maging ganap ang pag-reyp ng hepe kay Dolores. Ngising demonyo ang lalaking nakakubabaw sa dalaga.
Pero si Dolores ay hindi nagmamakaawa, napakatalim ng tingin sa walanghiyang lalaki.
“Magsisisi ka, hepe. Aatakihin ka sa puso, matitigok ka bago makamit ang gusto mo!”
“Gaga, huwag kang magpipiglas! Isuko mo na!”
SA Mansiyon, umatake na ang mga kabaong. Binalya nang binalya ang malaking pintuan.
Blag. Blagadagg. Bagg.
Sa loob, si Ex-Mayor Macario Montalvo ay alam ang nangyayari. Lumarawan ang agam-agam sa mukha ng matandang nasa wheelchair.
Bratat-tat-tat-taatt. Pinaulanan na ng bala ng mga security guards ang mga kabaong.
Umiiyak na si Macario Montalvo. “Hinahabol na ako ng multo ng lumipas! Sinisingil na ako!” (ITUTULOY)