Ang mga lalaking may ganitong problema ay posibleng ayaw makipagrelasyon dahil nahihiya sa kanilang namamaluktot na penis. Posibleng ikaw lamang ang masyadong nakakapuna nito at posibleng hindi ito mapansin ng iyong partner. Ipinapayong sabihin at kausapin ang partner tungkol dito at ipaliwanag na hindi ito infectious o cancerous.
Ang mga lalaking nagkakaroon ng Peyronie’s disease ay karaniwang edad
50–60, ngunit posible itong mangyari sa mas mababang edad at kapag
matanda na. Ang dahilan ng pagbaliko ng penis ay ang pangangapal ng fibrous tissue
sa penis sa isang parte. Ibig sabihin, kapag may erection, hindi nababanat ang parteng nangangapal kaya bumabaliko ang penis. Ang direksiyon ng pagkabaliko ng penis ay depende sa posisyon ng pangangapal ng balat na makakapa kapag hindi naka-erect ang penis.
Sa unang 9-18 buwan kapag nagsimula ang Peyronie’s disease, madulas na masakit ito kapag naka-erect ang penis at sa panahong ito, lalong kumakapal ang nangangapal na area. Pagkatapos ng tinatawag na ‘active period, mawawala na ang sakit. May 20% chance na babalik sa normal ang penis kahit walang treatment.
Ang ibang matagal nang may ganitong sakit ay hindi na nakakaramdam ng sakit ngunit minsan ay nahihirapang magkaroon ng erection. Hindi pa alam kung bakit nangangapal ang balat ngunit hindi ito nakaka-cancer o nakakahawa. Karaniwan ito sa mga naninigarilyo. Kung may ganitong problema, hindi dapat mahiyang komunsulta sa doctor. (Itutuloy)