Panaginip: To my horror, kinuha ng aking boyfriend ang aking paboritong long skirt at ginupit niya ito. Gagawin daw niyang basahan ang ginupit na bahagi. Inis na inis ako pero hindi ko maipakita.---Lady in red skirt
Interpretation: May matinding away na mangyayari sa inyo sa nalalapit na araw. Habang kinikimkim mo ang galit sa iyong boyfriend, lalo mo lang siyang ini-encourage na abusuhin ka. Hindi ko sinasabing magwala ka sa galit pero panahon na para ipakita sa taong ito na hindi na uubra ang kanyang ginagawang kapalpakan sa iyo.