Dugo sa Semen (1)

Nakaranas na ba kayo mga kuya na makakita ng dugo sa semen? Makabubuting malaman natin ang tungkol dito upang malaman ninyo kung ano ang dapat nating gawin sakaling makaranas kayo nito. Ayon sa medicinet.com, ang dugo sa semen ay tinatawag na hematospermia. Ang prostate biopsy ay ang pinakakaraniwang sanhi ng dugo sa semen.

Maaari ding maging sanhi ng hematospermia ang tumors, infections, anatomical abnormalities, stones, o inflammation  sa iba’t ibang
bahagi ng genitourinary system. Karaniwang ang dugo sa semen ay sakit na nagagamot. Ang treatment ay depende kung anong sanhi nito.

Kung may problema sa bladder, urethra,  testicles, tubes na pi­­nang­gagalingan ng semen patungong testicles (tinatawag ring seminal
vesicles), epididymis (bahagi ng spermatic ducts na nagsisilbing imbakan at pinagdadaluyan ng sperm) at prostate gland, maaaring ito
ang dahilan ng pagkakaroon ng dugo sa semen.

Hindi agad napapansin ang hematospermia kaya mahirap sabihin kung gaano kadalas nangyayari ito. Kaya dapat nating obserbahan ito.

Tinatayang 80% ng mga lalaki na sumasailalim sa  prostate biopsy ay di malayong magkaroon ng dugo sa kanilang  semen na tumatagal ng dalawa
hanggang apat na linggo. Maaari ding maging sanhi ng hematospermia ang vasectomy na tumatagal ng isang linggo pagkatapos gawin ito. (Itutuloy)

 

Show comments