Naghahanap ng ‘soulmate’

Dear Vanezza,

Just call me Eve, 35 years-old and single pa rin. My last relationship was several years ago pa. May mga nanliligaw din sa akin kaso mas bata sa akin at iyong iba ay iresponsable. Some of my friends ay nirereto din ako sa mga friends nila kaso ‘di ko talaga mahanap ‘yung mga katangian ng lalaking gusto kong makasama forever. Do you think po that I can still find my dream boy or soulmate ko?

Dear Eve,

Siguro’y may sad experience ka sa lalaki kaya ka nagiging pihikan sa pagpili. Anuman yan, kalimutan mo na at start anew. Hindi naman lahat ng lalaki ay iresponsable at mapagsamantala. Pero huwag mo ring asahang makakatagpo ka ng la­laking akmang-akma sa mga katangiang gusto mo. Nobody’s perfect. Huwag ka ring magmadaling maghanap. Tama ang ginagawa mo pero don’t overdo it dahil medyo nasa boundary ka na ng pagiging old maid. Umaasa akong makakatagpo ka rin ng lalaking magmamahal sa iyo nang tapat at alinsunod sa mga kata­ngiang hanap mo.

 

Show comments