Karugtong ng kasagutan kay Mrs. FR: Isabit ang poster ng world map sa Northeast at ilawan ito nang malinaw na bombilya.
Magdispley sa study table ng figurine ng tatlong isda na may crystal ball sa kanilang gitna. Madalas ay karpa ang ginagamit na isda sa mga figurine dahil sinisimbolo nito ang tiyaga at tapang na labanan ang mga kabiguan. Di ba’t kung saan ang direksiyon ng water current sa dagat ay ganoon din ang direksiyon ng paglangoy ng mga isda pero hindi ang karpa. Kaya nitong lumangoy nang pabaliktad sa water current. (Itutuloy)