Alam n’yo ba na nakuha ng India ang pangalan nito mula sa ilog Indus? Ang mga nakatira sa Indus river na ito ay sumasamba sa dios nilang si “Aryan” at ang tawag sa kanila ay “Sindhu”. Sa India din naimbento ang mga numero. Ang Scientist na si Aryabhatta ang nag-imbento ng “zero”. Ang tawag sa kanilang salita ay “Sanskrit” at ito ang pinaka-prestisyosong salita sa kanila. Ang Algebra, Trigonometry at Calculus ay nagmula lahat sa India. Ang larong “chess” ay naimbento din dito. Ang India din ang ika-anim sa pinakamalaking bansa sa buong mundo. Ang larong “Snake and Ladders” ay inimbeto din ng mga Indiano.