Inaalok ng live-in
Dear Vanezza,
Ako si Bea, 30, at isang manikurista. May dati akong ka-live-in. Nagmahalan kami pero nang mabuntis ako, iniwan na lang niya ako. Ngayon ay 2-yrs. old na ang anak ko. Sinisikap ko siyang itaguyod mag-isa at ang pagma-manicure lang ang aking alam na gawain. Mayroon akong regular na customer dito sa beauty parlor na pinapasukan ko. Matandang binata siya at negosyante. Sabi niya, ituturing niyang tunay na anak ang anak ko kung papayag ako sa gusto niya na magsama kami. Parang gusto ko sa proposal niya. Malaki ang maitutulong niya sa pagtataguyod sa aking anak. Ano sa palagay mo, papayag ba ako sa gusto niya?
Dear Bea,
Kung live-in na naman ang papasukan mo, mag-isip ka. Nabigo ka na minsan, baka maulit na naman. Kung talagang gusto ka niya, hamunin mo siyang magpakasal. At least kung talagang ang future lang ng anak mo ang habol mo kung kasal ka, may karapatan ka sa kayamanan niya. Pero tandaan mo na kung iyan lang ang dahilan ng pagpapakasal mo, hindi magandang rason yan. Ang kasal ay sagrado at kailangang pag-ibig ang matibay na dahilan sa pagpasok dito.
- Latest