^

Pang Movies

Ruffa, magiging Kapuso na ulit

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Ruffa, magiging Kapuso na ulit
Ruffa Gutierrez

Ang balitang magbabalik-GMA si Ruffa Gutierrez dahil kabilang siya sa cast ng upcoming series ng network na Beauty Empire. Hindi na namin matandaan ang last series niya sa Kapuso network dahil sa TV5 at ABS-CBN na siya gumawa ng mga proyekto.

Hindi pa nababanggit kung ano ang role na gagampanan niya sa series na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara.

Bagay siya sa nasabing series dahil beauty queen na at fashionista pa siya. Looking forward ang fans nito sa kanyang magiging role at mga eksena na ngayon pa lang, tinitiyak na ng fans na puro pasabog.

First time rin yata niya makakatrabaho sina Kyline at Barbie.

Buboy, naging kontrobersyal dahil sa anak

Kasama sa cast ng Samahan Ng Mga Makasalanan si Buboy Villar at sa mediacon ng nasabing pelikula this Thursday, siguradong matatanong tungkol sa naging pahayag ng ex niyang si Angillyn Gorens sa pagkakaroon niya ng bagong pamilya.

Matatanong din siya sa partner niya ngayong si Khrizza Sampiano  na nanay ng kanyang pangatlong anak.

Ang comment pa lang ni Buboy sa isyu ay “Ayaw ko nalang mag-talk.” Humirit naman ang partner nitong “There’s beauty in privacy. Read that again. Resist the temptation to publicize your life on social media. Everything isn’t meant to be on display. Keep things away from the public eye which can easily  turn into the evil eye. People can’t destroy what they don’t know.”

Sina Buboy at Khrizza rin naman ang sinisisi kung bakit may isyu sila ngayon, kung hindi raw nila in-open ang kanilang relasyon at pagkakaroon na ng anak, hindi magsasalita si Angillyn at kapatid nito tungkol diumano sa hindi consistent na pagdalaw ng aktor sa dalawa nilang anak ng kanyang ex.

Ang pamilya ni Angillyn ang nag-aalaga sa mga anak nila ni Buboy ngayon.

Nikki, ‘di nakakalimutan ang epekto ng relasyon kay Troy

Sa interview ng Fast Talk with Boy Abunda kay Nikki Valdez, binalikan nito ang panahong may relasyon sila ni Troy Montero. Sobra ang pangungut­ya sa kanya, na-judge siya na lubos na nakaapekto sa kanya.

That time, iilan pa lang ang may smart phone at malayo sa smart phone ngayon. Hindi pa rin uso ang salitang “bashing” that time dahil kung nagkataon na may social media na at active na ang mga basher, mas lalo siyang nagiba.

Naikuwento rin ni Nikki na napanood ng kuya niya na nasa college noon ang isang interview kung saan inokray ang kanyang looks.

Ayon pa kay Nikki, na-trauma siya. “Siguro kung that happened in this generation, ‘yung sinasabi nila na mental health ko bagsak, negative talaga kasi hindi ko alam paano umabot sa ganon. Eh siyempre noong time na ‘yon, in love lang tayo, tao lang naman tayo.”

Masaya na pareho sina Nikki at Troy sa kani-kanyang pamilya, pero paminsan-minsan, napag-uusapan pa rin ang naging relasyon nila, gaya ngayon.

Ano kaya ang comment dito ni Aubrey Miles?

Samantala, sa GMA 7 napapanood si Nikki ngayon at kasama siya sa cast ng Lolong, Bayani ng Bayan bilang si Jessabel.

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with