^

Pang Movies

Ex ni Buboy Villar, nagsalita na sa kanilang setup

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Ex ni Buboy Villar, nagsalita na sa kanilang setup
Buboy, Isay at Kyruz

Wala pala sa poder ng Kapuso actor na si Buboy Villar ang dalawa niyang anak na sina Vlanz Karollyn (7) at George Michael (5) kundi nasa adoptive parents ang mga ito ng ex-partner niyang Amerikana na si Angillyn Gorens.

Sina Buboy at Angillyn ay nagkahiwalay nung 2018 pa nang magdesisyon ang huli na bumalik ng Amerika para magtrabaho pero naging bukas ang kanilang komunikasyon laluna pagdating sa dalawa nilang anak. Pero lately ay bihira na umanong mag-usap ang dalawa nang magkaroon ng bagong partner ang actor na si Khrizza Mae ‘Isay’ Sampiano at meron na rin silang three-month-old son na si Kyruz.

Ayon sa pahayag ni Angillyn ay nabawasan na umano ang financial support ng actor at hindi na rin umano nito regular na nadadalaw ang kanilang mga anak na ang panganay na si Vlanz ay isa nang American citizen habang inaayos pa niya ang papeles ng kanilang bunso na si George Michael.

Wala naman umanong problema kay Angillyn ang pagkakaroon ng ibang partner at pagkakaroon ng ibang anak ni Buboy, huwag lamang pababayaan ang kanilang mga anak lalupa’t wala ang mga ito sa kanyang pangangalaga.

Richard Juan, ‘di sinusuko ang pagiging Pinoy

Maituturing na pinakabatang producer ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Richard Juan (32) na siyang nag-produce ng pelikulang Under Parallel Skies na tinampukan ng Thai actor na si Win Metawin at Filipina actress na si Janella Salvador under 28 Squared Studios and Two Infinity of which siya ang founder at co-founder.

Si Richard Juan ay nanalo ng Dabarkad’s Choice Award nang ito’y sumali sa You’re My Fo­reignoy segment ng noontime show na Eat Bulaga. Although lumaki siya sa ibang bansa, sa University of the Philippines (Diliman, QC) siya nagtapos ng Broadcast Communication degree.

Although permanent resident na siya ng Hong Kong, hawak pa rin niya ang kanyang Filipino citizenship hanggang ngayon.

BUBOY VILLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with