^

Pang Movies

Mga Batang Riles, darayo sa Zamboanga!

Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Pause muna sa bakbakan, dahil ang cast ng Mga Batang Riles na sina Miguel Tanfelix, Kokoy De Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Anton Vinzon ay makiki-bonding muna sa mga Zamboangeño sa isang masa­yang Kapuso Mall Show ngayong weekend!

 Punta na ngayong Sabado (March 29) sa KCC Convention Center ng KCC Mall de Zamboanga sa Zamboanga City 5 p.m. at makipag-’kabarkadagulan’ kasama ang Mga Batang Riles!

Pepito Manaloto, may pasilip sa Anniversary Summer Special!

Mawawala talaga ang init ng ulo ng ­viewers kapag tumutok at nakitawa sa award-winning fa­mily sitcom ng GMA na Pepito Manaloto. At dahil tag-init na, nag-shoot na rin ang cast ng kanilang anniversary summer special!

That’s right, sabay na ise-celebrate ng programa ang kanilang 15th anniversary at summer episodes!

Sa BTS photos na ipinost ng Pepito Manaloto Facebook page, makikita ang summer vacation nina Pepito (Michael V), Elsa (Manilyn Reynes), Tommy (Ronnie Henares), at Patrick (John Feir) sa isang resort.

Anu-ano kaya ang mga kwelang mangyayari sa kanilang bakasyon? Sinu-sino pa ang makakasama nila Pepito sa pag-beat the heat?

Komento tuloy ng isang netizen, “I’m so excited for this! Sana lagi may new episode, pampawala ng lungkot lalo para saming nasa malalayong lugar. Lagi namin kayong inaabangan tuwing Sabado. My stress reliever!!!”

Mark, matindi ang pangangailangan?!

Pasabog kahapon ang rebelasyon ng kampo ng singer na si Jojo Mendrez.

Ibinunyag ng manager niyang si David Bhowie na diumano’y may nahiram na pera si Mark Herras kay Jojo.

Pero hindi galit si Jojo. Aniya naawa pa nga siya kay Mark. Pero nakakaapekto na raw ang mga ginagawa ni Mark particular na ang pang-iiwan nito noong Linggo ng gabi sa kanya kung saan si Mark sana ang partner ng singer as presenter sa ginanap na Star Awards.

Nagpaalam lang daw itong pupunta sa comfort room pero hindi na ito bumalik at nagsabi lang sa manager na may emergency lang sa kanilang bahay.

At doon na raw siya na-offend.

Buti na lang aniya at malapit lang si Rainier Castillo, agad-agad itong dumating sa Dolphy Theater upang samahan ang singer na isa ring negosyante.

Kaya kahapon ay tinuldukan na ni Jojo ang lahat. Wala nang MarJo.

Pero nilinaw niya na walang attachment sa kanila. Walang love angle.

Maraming nag-isip na baka naman merong namagitan sa kanila dahil ganito nga ang naging impression ng netizens.

Pero purely collab daw ‘yun at bawat oras na katrabaho niya umano ito ay merong honorarium si Mark.

Nung umpisa raw ay mabait si Mark pero hindi nagtagal ay nag-iba ito ng ugali lalo na nung nagtre-trending na sina Jojo at Rainier.

Anyway, settled na diumano ang nasabing honorarium ni Mark pero may nahiram diumano itong humigit kumulang sa P1 million.

Katuwiran ni Jojo ay naawa siya rito lalo na kapag sinasabing kailangan niya ng pera.

Wala na raw siyang balak na makipag-collab ulit kay Mark.

Bukas ang pahinang ito sa anumang maaring pahayag ni Mark.

PEPITO MANALOTO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with