^

Pang Movies

Lloydie, biglang nagka-emergency sa bahay

Gorgy Rula - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Lloydie, biglang nagka-emergency sa bahay
Kaye, Nikka, Patrick at Paolo
STAR/File

Very intimate at simple lang ang Christian ceremony ng renewal of vows nina Patrick Garcia at Nikka Martinez na ginanap sa The Lind, Boracay noong Sabado, March 22, ng hapon.

Sampung taon na silang mag-asawa at itong reaffirmation ng kanilang wedding vows ay bahagi ng kanilang anibersaryo.

Mga pamilya at malalapit na kaibigan ang dumalo sa naturang selebrasyon.

Nandun siyempre ang pamilya Kramer nina Cheska at Doug Kramer, at mga close friend na sina Paolo Contis, Kaye Abad at Isabel Oli.

Kaagad kong tinukso si Paolo na nagkita pala sila roon ng dating girlfriend na si Isabel, at umoo naman siyang nagkita. Pero huwag ko na raw itong gawan ng isyu.

Dedma na siya nang tinanong ko kung nagkatsikahan ba naman silang dalawa.

Nag-confirm daw si John Lloyd Cruz na dadalo, pero hindi pala ito nakarating, dahil nagkaroon daw ng emergency sa kanilang bahay pero hindi na sinabi kung anong nangyari.

Matagal na nga silang nagkumpirmang dadalo, kaya nasayang din ‘yung ticket at hotel accommodation ni Lloydie.

Hindi na nga nakadalo si Paolo Contis sa Star Awards for Television kagabi, dahil nasa Boracay pa ito.

Nagwagi si Paolo bilang Best Actor in a Single Performance na kung saan ginampanan niya ang role ng negosyante at dating manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino sa Magpakailanman.

Sa video na kuha sa renewal nina Patrick at Nikka, kitang-kita ang sobrang saya nila.

Si Patrick lalo na sumasayaw-sayaw pa sa kanilang wedding march.

Samantala, mukhang may binubuong magandang project ang magkakaibang Patrick, Paolo at John Lloyd Cruz. Ayaw nilang sabihin kung pelikula o TV show ito, pero malakas ang kutob naming isa itong sitcom na bagay sa kanilang tatlo.

Mga celeb, inimbitahan sa hearing ng fake news!

Marami pala sa mga celebrity ang inimbitahan sa nakaraang hearing ng House Tri Committee sa Kongreso noong nakaraang Biyernes, March 21.

Pinag-usapan doon ang pagkakalat ng fake news na kung saan ang madalas na nabibiktima nito ay ang kilalang celebrities.

Ilan sa pinadalhan ng imbitasyon ay sina Vice Ganda, Ruffa Gutierrez, Mon Confiado, at Baron Geisler pero hindi lang pumuwede dahil sa prior commitment.

Isa ako sa nag-coordinate na makadalo sana sa hearing, pero hindi lang talaga pumuwede.

Gusto nga sanang dumalo ni Baron, pero nasa taping naman ito ng Incognito.

Isang vlogger ang nasampolan doon sa hearing dahil sa ipinost nito sa social media na marami umano sa mga miyembro ng Philippine National Police ang magre-resign bilang pagtutol daw sa pagkadakip sa dating pangulong Rodrigo Duterte at dinala ito sa The Hague, Netherlands.

Hindi ito pinalagpas ni House Deputy Majority Leader Jude Acidre ang sinulat ng naturang vlogger dahil lumalabas na wala itong ebidensiya at umano’y nakuha niya lang ang reaksiyon ng ilang pulis.

Para kay Cong. Acidre, seryoso ang paggamit ng terminong “mass resignation” na puwedeng maglikha ito ng kaguluhan sa ating bansa.

Pinabulaanan ito ng taga-PNP, kaya pinayuhan itong si Krizette Chu na mag-sorry na lang.

Marami pa sa mga artistang umangal sa mga kumakalat na fake news sa kanila. Kaya bukas ang Kongreso para ilabas nila ang kanilang hinaing kaugnay rito.

NIKKA MARTINEZ

PATRICK GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with