Atasha, handa na sa adaptation ng hit Thai movie

It was in early July 2023 nang lumagda ng management contract si Atasha Muhlach, the other twin of Andres Muhlach, mga anak ng celebrity couple na sina Aga Muhlach and Charlene Gonzalez-Muhlach.
Pagkatapos mag-sign up ng management contract si Atasha with Viva Artists Agency ay agad din siyang kinuha ng TVJ Productions para mapabilang sa longest-running noontime show na Eat Bulaga na pinangungunahan pa rin ng TV veterans na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon or TVJ.
Kasunod na rito ang pagsasama-sama ng pamilya Muhlach sa weekly sitcom na Pers Family sa TV5.
Hanggang si Andres ay sumunod na rin kay Atasha sa Viva. Sa dalawa, mas unang nabigyan ng series si Andres, ang Wattpad adaptation na Ang Mutya ng Section E na isa ngayon sa mga hit series on Viva One.
Last Tuesday afternoon, March 18, the cast ng local adaptation ng Thai hit movie na Bad Genius was revealed. Ito’y tinampukan nina Atasha, Jairus Aquino, Gab Lagman at Hyacinth Callado mula sa pamamahala ni Derick Cabrido na siya ring nagdirek ng 2023 Metro Manila Film Festival movie ni Piolo Pascual na Mallari.
Sobrang thankful si Atasha sa malaking break na ibinigay sa kanya ng Viva. Bukod sa napakaganda ng material, she gets to work with a good director and good cast na agad umano niyang nakasundo.
Nang mabasa niya ang script ay agad daw niya itong ipinakita sa kanyang amang si Aga. Napanood na rin niya ang Thai movie kaya may idea siya sa character na kanyang gagampanan.
Jamie, may pa-mother’s day kay Regine
Ang singer, songwriter, former OctoArts hitmaker, record producer and dubbed as “Inspirational Diva” Jamie Rivera (Mary Jane Cruz-Mendoza in real life) ay nagsulat ng kanta for Regine Velasquez-Alcasid for Mother’s Day na pinamagatang Lahat ay Kaya Mong Gawin na ang release ay itataon mismo sa Mother’s Day celebration ngayong May 11, 2025.
Ayon kay Jamie, sinulat niya ang kanta for Regine in time for Mother’s Day celebration.
Sina Jamie at Regine ay pareho na ring ina sa kanilang tig-isang anak na sina Reine at Nate.
Sina Jamie at Regine ay nagkasama sandali sa bakuran ng OctoArts International record company na pinamunuan ni Boss Orly Ilacad.
When Regine moved to Viva, nanatili sa OctoArts si Jamie kung saan din naging recording contract artist ng kumpanya ang mister na ngayon ni Regine na si Ogie Alcasid.
Ang mga early hits nina Jamie at Ogie ay sa bakuran ng OctoArts kung saan din nila nakasama sina Pops Fernandez, Joey Albert, Francis Magalona, Michael V., Boyfriends at marami pang iba.
- Latest