Nadine, rumesbak sa troll

Nakakaloka naman ang komento raw ng mga basher ni Nadine Lustre na sana raw ma-rape siya.
Tama lang ang ginawa niya binuweltahan ang komento at shinare niya iyon para malaman din ng lahat ang komento noon.
Hindi naman siguro maganda na sabihin iyon dahil lang magkaiba ng sinusuportahang kandidato noh.
Kinonek daw iyon sa mga post ng karelasyon ni Christophe Bariou tungkol sa pag-aresto kay former president Rodrigo Duterte na kinagalit ng mga tagasuporta noon.
Meron ding nagkomento sa post ni Christophe na pareho rin ang sinabi tungkol kay Nadine.
Bakit naman kailangang magsalita ng ganun? ‘Kaloka naman.
May mga nagpayo nga raw na kasuhan ni Nadine ang mga ito dahil hindi biro ang rape ha.
Malakas ang loob ng mga ito dahil mga troll lamang ang mga iyon.
Pero mukhang natakot iyon dahil bigla raw nitong binura ang comment at nag-private ng kanyang account.
Mukhang natakot iyon sa fans ni Nadine na rumesbak agad ha.
Naku dapat turuan na ng leksyon ang mga basher na ganyan na nagpro-promote pa ng hate sa mga artista.
Hindi bongga.
- Latest