^

Pang Movies

Jericho, makikipagtapatan sa Game of Thrones actor

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Magsisilbing comeback-film ng actor na si Jericho Rosales ang historical bio-pic na Quezon na magsasalarawan sa katauhan ng Pangulo ng Philippine Commonwealth na si Manuel Luis Quezon. 

Ang nasabing pelikula ay pamamahalaan ng mahusay na director-writer na si Jerrold Tarog under TBA Studios na siya ring nag-produce ng hit and award-winning historical movies na Heneral Luna, Goyo: Ang Batang Heneral at iba pa.

Sobrang excited si Jericho sa kanyang first project with TBA Studios dahil makakasama niya ang Hollywood Scottish actor na si Iain Glen ng Games of Thrones na siyang gaganap sa papel ng Governor-General Leonard Wood na malaki ang naging role during the time of Pres. Quezon.

Kasama siya sa meeting with the Hollywood actor at the Manila Hotel kung saan din sila nag-script-reading.

Bukod kina Jericho at Iain Glen, kasama rin sa cast sina Mon Confiado, Romnick Sarmenta, Karylle, JC Santos, Cris Villanueva, Aaron Villaflor at iba pa.

Karylle will play the role of Dona Aurora Quezon, ang First Lady ni Pres. Manuel L. Quezon.

Matagal-tagal ding tumigil si Jericho sa showbiz nang ito’y sumubok mamirmihan sa New York City, USA with his ex-wife na si Kim Jones.

Naging maganda rin ang pagbabalik-showbiz niya dahil sunud-sunod kaagad na magagandang proyekto ang ipinagkatiwala sa kanya.

Mukhang suwerte kay Jericho ang kanyang girlfriend ngayon na si Janine Gutierrez.

Cristine, aligaga sa kampanya

Mukhang mahahati ang attention ng Viva star na si Cristine Reyes dahil parehong kandidato sa magkaibang posisyon ang kanyang kapatid na si Ara Mina at ang nobyo ni Cristine na si Marco Gumabao.

Sino sa palagay mo, Salve A., ang bibigyan ni Cristine na priority? Ang kapatid niyang si Ara o ang nobyo niyang si Marco?

Si Ara ay tatakbo sa pagka-konsehal ng ikalawang distrito ng Pasig at ka-ticket niya ang tatakbong mayor ng siyudad, ang self-made at successful businesswoman na si Sarah Discaya habang kandidato naman sa pagka-kongresista ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur si Marco.

Samantala, ibang journey ang papasukin ni Ara sakaling manalo siya bilang konsehal ng 2nd district ng Pasig along with the mayoralty candidate na si Sarah Discaya.

JERICHO ROSALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->