^

Pang Movies

Pulido ang script sa burol!

Joe Barrameda - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — May mga nabalita na magsasara na ang Frontrow at may mga nababahalang mga miyembro sa chismis na mamamaalam na ang nasabing kumpanya kaya maraming bashers na feeling nila ay basta na lang iiwanan ang maraming miyembro na sa kanila lang umaasa ng kabuhayan nila.

Lumabas din na mamamaalam na ang kumpanya. Lalo kaming nag-alala nang makatanggap kami ng imbitasyong mula sa Fontrow para sa malaking announcement sa pamaalam ng Luxxe White at ang dinatnan namin ang venue ng lugar sa Frontrow na may ataul, na napapalibutan ng mga bulaklak na huling gabi ng burol na nandun ang big bosses na nagdadalamhati.

Napaluha rin kami sa sobrang pighati nila.

Pero naloka kami nang biglang lumabas sa screen ng Frontrow ang bagong produkto ng Luxxe White Ultima na 1,400 milligrams na nasa malaking bote. Kaya na-upgrade na ito. Hindi nila binago ang presyo.

Pinahanga kami nina RS Francisco at Sam Verzosa sa marketing strategy nila at walang makakaisip nito.

Kaya ang daming naiinggit sa kanila na pilit silang ginagaya.

David, magpapari!

Isa sa hinahangaan naming aktor na si David Licauco ay may bago na namang project matapos ang magaling niyang acting sa Pulang Araw bilang isang Japanese soldier.

Ito ay bilang pari or kura paroko sa upcoming movie na Samahan Ng Mga Makasalanan. Sa inilabas na teaser ng GMA Pictures, may caption ang photo ni David na kung siya raw ang magdadala sa kanila sa tamang daan, sasama ka ba?

Positive ang sagot ng maraming nagkomento.

Sa April 19 ang playdate ng pelikula.

DAVID LICAUCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with