Rhian at Michelle, binuhay ang produktong pinaglamayan!

Boy, Rhian, Sam, Michelle, RS at Richard

Alam mo, Salve A., ngayon lamang tayo naka-witness ng isang popular and leading brand na ‘pinatay’ at ‘pinaglamayan’ only for the product to get ‘resurrected’ sa isang kakaibang brand launch only ‘crazy people’ could ever imagine. At ang ‘crazy idea’ na ‘yun ay galing mismo sa isa sa mga founder at business partner ng Frontrow International, ang actor-producer and successful businessman na si RS Francisco na sinang-ayunan ng kanyang longtime business partner at Manila mayoral candidate na si Sam Verzosa.

A week ago ay may mga naglabasang balita at iba’t ibang ispekulasyon na ‘bankrupt’ na umano ang mag-business partner na RS Francisco at Sam Verzosa at nakatakda na umanong isara ang kanilang mga itayong negosyo. Nariyan pa ang balita na paano raw patatakbuhin ni Sam Verzosa (SV) ang Maynila kung sarili nitong negosyo ay bagsak?

Mas lalo pang lumakas ang iba’t ibang balita nang makita ang malaking billboard along Guadalupe, Makati City kung saan nakalagay ang pamamaalam ng kanilang leading product na Luxxe White.

Never in our wildest dream na dadalo kami sa isa umanong ‘major announcement’ na ang sasalubong sa amin ay isang kakaibang ‘burol’ ng produkto with matching kabaong, funeral flowers and lights, guests registry at iba pa.

Nasa isang elevated stage ang isang puting kabaong kung saan nasa loob ang Luxxe White products.

Hindi rin nawala ang ‘eulogy’ kung saan nagsalita ng ‘pamamaalam’ ang mag-business partners na RS at Sam with matching red roses na kanilang kanilang bitbit at ipinapatong sa kabaong. Bilang senyales ng pamamaalam.

Lumabas ang pagiging magaling na actor ni RS dahil napahagulgol pa ito habang inalo naman siya nila RS at isa pa nilang business partner na si Richard Yu.

Habang isang malungkot na goodbye song naman ang inawit ni Aiza Seguer­ra. 

Maya-maya ay lumabas ang King of Talk na si Boy Abunda na nasa sad mode rin pero nang alisin ang kabaong at mga bulaklak sa stage ay tumambad ang kakaibang set on stage na nagbabadya na something big to be announced.

Ang unang malungkot na set at atmosphere ay napalitan ng kakaibang saya nang magpalit ang set at ipakilala ang mas pinaganda, improved and enhanced product, ang Luxxe White Ultima kasunod ang pagpapakilala ng dalawang pinakabagong brand ambassador ng produkto, ang 2023 Miss Universe Philippines na si Michelle Dee at ang Kapuso star na si Rhian Ramos at lady love ng isa sa founders ng Frontrow, International na si Sam Verzosa.

Sa 15 years of existence ng Luxxe White ay pawang malalaking celebrities ang naging brand ambassadors at kasama na rito sina Vice Ganda, Regine Velasquez-Alcasid, Daniel Padilla, Cristine Reyes, 2018 Miss Universe Catriona Gray, among others.

 

Show comments