Yassi, nagkawanggawa sa batang kapangalan!

May regalo si Yassi Pressman sa isang batang babae na nakilala niya sa Cebu City, at nalaman niyang ipinangalan sa kanya.
Sa Instagram Reel, sinabi ni Yassi na nasa Carbon Market siya sa Cebu City nang lapitan siya ng isang mommy na kasama ang anak. “Habang namimili (at nagpapa cute! Haha), lumapit sa ‘min si mommy na may baby Yassi,” saad niya na inilarawan ang pangyayari na “isang masaya at nakakagulat na umaga.”
Ipinakilala ni mommy ang kanyang anak na si Princess Yassi kay Yassi.
Matapos ang yakapan at nang malaman niya na Grade 1 na si Princess Yassi, sabi ng aktres, “Sige, sagot ko na ‘yung Grade 2 niya.”
Labis naman na ikinatuwa ng mommy ni Princess Yassi ang regalo nito sa kaniyang anak.
“Unexpected special moments are simply the best,” saad ni Yassi sa caption.
Noong nakaraang taon naman ay naging emosyonal siya nang malamang ang isang driver ng ride-hailing service na ipinangalan din sa kanya ang anak nito.
Kylie, gustong maging mas malakas
Ang dalawa niyang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo ang motivation ng aktres na si Kylie Padilla para maging strong at healthy ngayong 2025. Ayon kay Kylie, mas inaalagaan na niya ang kanyang kalusugan ngayon dahil sa mga anak niya.
“I wanna be healthier and stronger for the kids kasi siyempre, ang haba pa ng buhay nila, kailangan ako din, ‘di ba? Tsaka ini-imagine ko pa ‘pag nagkaanak na sila, siyempre, kailangan malakas pa rin ako bilang lola,” sey ni Kylie.
Ngayong nasa 30s na siya, may isang bagay rin na na-realize si Kylie. “Mas nadi-discover ko ‘yung sarili ko, and I’m more comfortable. Totoo pala ‘yun, ‘pag nag-30 ka na, wala ka nang pake doon sa maliliit na bagay. You find yourself more in your 30s, and mas ino-own mo na ‘yung sarili mo when you’re 30,” pag-amin ni Kylie.
Ipinagdiwang ni Kylie ang kanyang ika-32 na karaawan noong Jan. 25 kasama ang kanyang pamilya.
- Latest