^

Pang Movies

BB, nambastos sa Taiwan?!

Dianne Canlas - Pang-masa
BB, nambastos sa Taiwan?!
BB Gandanghari at Robin Padilla
STAR/File

MANILA, Philippines — Na-bash si BB Gandanghari sa kanyang post kung saan nagsuot siya ng hijab nang pumasok sa isang Mosque sa Taiwan kasama ang kapatid na si Sen. Robin Padilla.

Inulan ito ng mga negatibong komento dahil sa diumano’y pang-iinsulto nito sa relihiyon.

Maling-mali raw ang ginawa nitong pagpasok sa Mosque na hindi pa ito Muslim.

Hindi raw pinahihintulutan sa mga ito ang pagsusuot ng mga lalake ng pambabaeng kasuotan at ganon din daw sa mga kababaihang nagsusuot ng panlalake.

Pinagdiinan ng mga ito na sinusuot lamang ang hijab ng mga ipinanganak o tunay na babae.

Hindi raw pinahihintulutan sa relihiyon nila ang homosexuality o mga miyembro ng LGBTQIA+ kaya hindi raw pwedeng ipilit ng iba ang tungkol sa kagustuhan nila.

Komento ng iba ay sana raw bago ito pumasok sa mga lugar ng pagsamba ay inalam muna nito ang mga protocol dahil hindi raw pwedeng idahilan na hindi nito alam ang tungkol doon.

At sana nga raw ay pinagsabihan ito ng kapatid na si Sen. Robin na kasama niya ng mga oras na iyon.

BB GANDANGHARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->