^

Pang Movies

Dennis, inisnab ng mga anak nung Pasko

Gorgy Rula - Pang-masa
Dennis, inisnab ng mga anak nung Pasko
Julia at Dennis
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagsisimula nang magpaalam sa mga programa nila ang mga artistang tatakbo sa darating na eleksyon. Kaya nga kagabi lang ay finale episode na ang napanood sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis dahil magsisimula nang mag-ikot si Sen. Bong Revilla para mangam­panya.

Kasali rin sa sitcom na ito si Dennis Padilla na tumatakbo rin palang konsehal sa Caloocan City. Ang dating asawang si Marjorie Barretto ay tumatakbo rin sa Caloocan pero magkaiba raw sila ng distrito.

Dahil nabanggit si Marjorie, hindi naiwasang mag-emote ni Dennis tungkol sa kanilang mga anak. May ini-record daw siyang kanta noong nakaraang Pasko na ipinost sa kanyang Instagram account para batiin ang kanyang mga anak. Pero wala naman daw siyang nakuhang response o reaction sa mga ito. “Wala, parang nag-e-expect… parang iniintay ko na reaction, ganun. E parang nalungkot lang ako, kasi parang hindi na naman ako nabati ng Christmas saka New Year.

“E pagka matagal na kasi, parang nasasanay na… nasasanay ka na pati. Parang ‘di ka na masyadong nag-e-expect.

“Pero there are times pagka mag-isa ako, o kaya nagda-drive ako — nalulungkot pa rin pala ako. At saka parang… ‘pag nag-iisa ka, ‘yung parang… sana maalala nila ako, ‘di ba, mabati ng Christmas o New Year. O kaya ‘pag birthday, parang ganun.

“Tapos eventually, siyempre ie-erase mo na lang. Kasi malulungkot ka, e. So ie-erase mo na lang. Sasabihin ko na lang, ‘Lord, baka siguro next year.’ Parang ganun. So I just ano, lagi ko naman silang ipinagdarasal. Na ang pinakaimportante, gusto ko lang lagi silang ligtas. Number two, gusto ko, lahat ng blessings na puwedeng pumasok sa buhay nila sa araw-araw e dumating,” malumanay na pahayag ni Dennis Padilla.

Nangako si Dennis na susuporta siya sa kampanya ni Sen. Bong Revilla at iba pang kaibigang pulitiko.

Shawie, nagpa-birthday para kay Kiko

Nagkaroon pala ng belated birthday celebration kay Sharon Cuneta kasama ang asawa niyang si dating Sen. Kiko Pangilinan. Ginanap ito sa isang restaurant sa Makati noong nakaraang Biyernes na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigang sina Ogie Alcasid, Raymond Lauchengco, Angel Aquino, Mylene Dizon, Iza Calzado, Jed Madela, Robi Domingo, Nikki Valdez, Leo Martinez, Jona, Pooh, Pinky Amador, Bayang Barrios, Cookie Chua, Jim Paredes, Pia Magalona, Direk Malou Sevilla, at iba pa.

Parang nagsanib-puwersa daw silang lahat para tulungan si Senator Kiko na gumawa ng mga content para sa ikinakampanya nito.

Nakakatuwa raw ang kapayatan ng Megastar na sabi ng ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer, masaya, maaliwalas ang aura, at fit na fit daw.

Samantala, inaasahan din ang all-out na suporta ng ilang Kapamilya stars sa pagpasok sa pulitika ni Manuel ‘Beaver’ Lopez. Si Beaver Lopez ay second nominee ng party-list na Partido ng Bagong Pilipino o PBP.

Ang kaibigan niyang si dating COMELEC Chairman Atty. Goyo Larrazabal ang nasa first nominee.

Tinanong namin si Beaver siyem­pre kung ikakampanya ba siya ng Kapamilya stars. Wala pa raw sa isip niya kung sino, pero kakausapin pa raw niya ang kapatid niyang si Martin ‘Mark’ Lopez.

Pero kilala pala ni Beaver ang halos lahat na mga Kapamilya stars na kahit itong mga bagong members ng PBB Gen 11 ay knows niya!

Sabi nga niya, kung sakali raw na susuportahan ang party-list niya ng Kapamilya stars, parang gusto niya ‘yung mga taga-PBB, para swak ‘yung ‘PBB supports PBP!’

Nang makatsikahan namin si Beaver, nilinaw niyang itong pagtakbo niya ay hindi para maibalik ang franchise ng ABS-CBN. Wala raw sa isip niya ‘yan.

Pero kung papalarin nga siya at pag-uusapan ito sa Kongreso, siyempre susuportahan naman daw niya ito.

DENNIS PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->