Prinsesa ng City Jail, naka-88 million views agad!
MANILA, Philippines — Panalo sa mga Kapuso ang pinagbibidahang serye ni Sofia Pablo na Prinsesa ng City Jail. Base sa isang post ng GMA Drama, nakakuha ang programa ng 88 million views across all social media platforms hanggang nitong Jan. 20!
Ibig sabihin, isang linggo mula nang mag-world premiere ito noong Jan. 13, marami na agad ang sumubaybay sa kwento ni Princess. Bukod naman sa success nito online, consistent din ang mataas na TV ratings ng Prinsesa ng City Jail.
Talagang maraming napapabilib sa aktingan nina Sofia at Allen Ansay, kasama sina Dominic Ochoa, Denise Laurel, Beauty Gonzalez, at marami pang ibang bigating artista.
Komento ng ilang fans sa GMA Network YouTube channel, “Ganda ng story at magaling lahat ng mga cast. Pagdating sa iyakan, ikaw na talaga, Sofia Pablo! Bigat ng mga eksena, nakakaiyak at nakaka-excite.”
Simula pa lang ng inspiring na kuwento ni Princess kaya tutok lang sa Prinsesa ng City Jail, Lunes hanggang Biyernes tuwing 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
- Latest