^

Pang Movies

Gloria, hindi nagkainteres sa branded na gamit!

Lanie B. Mate - Pang-masa
Gloria, hindi nagkainteres sa branded na gamit!
Gloria

MANILA, Philippines — Nahalukay ko sa baul ang isang lumang larawan kasama ang isa sa unang reyna ng pelikulang Pilipino na si Ms. Gloria Romero.

‘Yung picture namin parang kuha mga 20 years ago pa, pero iba talaga ang ganda ni Ms. Gloria. Laging elegante ang dating na walang masamang tinapay para sa kanya, lahat ini-entertain niya, na dama mo na mayroon talaga siyang mabuting kalooban. Laging magiliw at nakakahawa ‘yung ngiti niya kung makipag-usap.

Dati naitanong ko na sa kanyang kung kailan siya magreretiro dahil parang 70 years old na siya that time. Ang sagot niya ay wala raw siyang balak mag-retire sa showbiz kahit ‘yung edad niya noon ay talagang mahina na rin ang kanyang tuhod.

Hanggang kaya pa raw niya ay walang problema sa kanya dahil showbiz nga raw ang buhay niya.

Kaya nga kahit sa show ni Kuya Germs Moreno noon na Walang Tulugan ay naaabutan ko pa siya na nakikipagpuyatan.

Sa ilang beses kong na-meet si Ms. Gloria, ang napansin ko ay iisang cell phone (CP) lang ang gamit niya na Nokia 3210, ‘yung original na makapal pa, eh uso na ang high-end phone that time.

Hanggang muling nakita ko siya napansin ko ulit ang gamit niyang 3210. Kaya naitanong ko sa kanyang kung bakit hindi pa rin siya nagpapalit ng CP. Ang sagot ni Ms. Gloria ay hindi naman daw talaga siya masyadong mahilig sa mga branded na gamit.

Kahit pagdating sa cell phone na hindi niya ikinahiya at bagama’t puro mamahalin na ang gamit na CP ng mga taong nasa paligid niya o maging ng mga kaedaran niya that time. 

Bukod sa user-friendly raw ay mas madali niyang makontak ang apo niyang si Chris kapag oras na kung susunduin na siya sa mga lakad at tapings nito.

Kaya nung mabasa ko ang kumalat na last will and testament ni Ms. Gloria na fake news lang, naalala ko lang nagawa niyang makuntento sa 3210 na CP kahit kaya niyang bumili ng mamahaling telepono.

Mula sa PM family ay taos puso po kaming nakikiramay at nagbibigay pugay sa nag-iisang Ms. Gloria Romero.

GLORIA ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->