^

Pang Movies

Sunshine, ‘di abusada sa material gift!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sunshine, ‘di abusada sa material gift!
Actress Sunshine Cruz
Sunshine Cruz via Instagram

Wow super in love raw talaga ang negos­yanteng si Atong Ang kay Sunshine Cruz. Pero ang bongga raw ni Sunshine dahil hindi ito abusada. Hindi diumano ito basta-basta tumatanggap ng mga material gift.

Like pinadalhan daw ito ng isang luxury car ng negosyante, pero pinasoli diumano ng actress.

Yup, ganun daw si Sunshine. Saka low-key raw ‘pag kasama ang mga barkada ng negosyante. Kaya botong-boto raw ang mga ito sa actress na hindi na ngayon tumatanggap ng teleserye.

Wish sa dragon natupad... Derek at Ellen, nag-hello na sa ahas

Natupad ang wish ng mag-asawang Ellen at Derek Ramsay na House of Dragon noong 2024. Kaya sa pagpasok Year of the Wood Snake, nagbahagi sa social media ng larawan si Ellen na kuha noong ipanganak niya ang kanilang baby girl. Aniya : “Dragons Signing Off!

“Papa D is a Fire Dragon, Mama is an Earth Dragon, and Baby is a Wood Dragon. #dracarys #targaryens

“It was an amazing year for us.

“Thank you Universe. Thank you God.

“Hello, Wood Snake!”

Very vocal noon si Derek na gusto talaga nila ng dragon baby kung saan nagkaroon muna ng miscarriage si Ellen sa unang pagbubuntis niya.

BINI, gagawa ng kasaysayan sa Philippine Arena

Dalawang linggo at bibida na ang nation’s girl group na BINI sa unang leg ng BINIverse World Tour 2025 na makasaysayang magaganap sa Philippine Arena sa Pebrero 15 (Sabado). Available ang shuttle service para sa BLOOMs na nais makisaya sa Bulacan para sa latest milestone ng grupo.

At para sa madaling pagbiyahe ng concertgoers, mayroong roundtrip shuttle service sa tridemtickets.com na may pick-up point sa Solaire ASEAN Open Parking, One Ayala Terminal Makati, UPark Megamall, Baliwag Bus Terminal Cubao, at SM City North Edsa.

Nagsimula nang magsanay ang BINI para sa biga­ting BINIverse World Tour: Philippines na inaasahang magtatampok ng mga bago at exciting performances, kabilang na ang kauna-unahang live performance nila ng Blink Twice.

Ang Blink Twice ang bagong handog na international single ng grupo na opisyal na ilulunsad sa Pebrero 13 (Huwebes) o dalawang araw bago maganap ang concert.

Sold-out na ang VIP at lower box A premium tic­kets para sa show pero may mabibili pang ilang lower box, upper box, at gen ad tickets sa pulptickets.com at ticketnet.com.ph.

Pagkatapos ng Philippine leg nito, lilipad ang BINIverse World Tour sa Singapore, Dubai, London, at United States.

Ang BINIverse World Tour: Philippines ay magaganap ngayong Pebrero 15, 5 p.m. sa Philippine Arena.

MTRCB, kinontra si Darryl

Mabilis na kinontra ng MTRCB ang kumalat ng post ng filmmaker na si Darryl Yap na pinapa-review na nila ang ginawa niyang pelikula tungkol sa buhay ng dating sexy star na si Pepsi Paloma.

Hindi raw totoong nirerebyu nila ito dahil hindi pa kumpleto ang mga kinakailangang requirements nito.

Nilinaw rin nilang hindi tinanggap ng MTRCB Registration Unit ang mga materyales na isinumite ng kinatawan ng Pinoyflix (distributor) sapagkat hiningan ng MTRCB Legal Affairs Division ang nasabing distributor ng Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Kriminal mula sa Regional Trial Court, Certificate of Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Sibil mula sa Department of Justice, at Certificate of Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Administratibo mula sa Office of the City Prosecutor.

Bilang parte raw ng stan­dard review process ng ahensiya, nakipag-ugnayan kahapon ang Legal Affairs Division sa distributor upang ipabatid ang mga kulang na requirements.

Ginagawa ito ng MTRCB upang masi­guro na ang lahat ng pelikula ay naaayon sa Presidential Decree No. 1986 at sa mga patakaran nito. Binubuo ang MTRCB ng 30 Board Members, isang Vice Chairperson, at isang Chairperson. Ang bawat aplikasyon ay dumaraan sa isang tatlong-miyembrong komite, at kapag kinakailangan, sa ikalawang pagsusuri na binubuo naman ng limang miyembro.

Ang MTRCB ay naninindigan na hindi nito ipagsasantabi ang maling impormasyon at anumang paninirang maaaring makasira sa reputasyon at mandato nitong protektahan ang interes ng publiko. Ang anumang sadyang pagpapakalat ng maling impormasyon ay aaksyunan alinsunod sa batas.

Coco, pinag-aralan ang pagtahi

May pangako ang Primetime King na si Coco Martin sa ginanap na “Saludo Kay Tanggol” grand Kapamilya homecoming sa ABS-CBN noong Martes (Enero 28) para ipagdiriwang ang pagsisimula ng ikatlong taon ng serye.

“Pinag-aralan namin mabuti ‘yung bawat kwento, bawat character, at kung paano namin itatahi ‘yung original na kwento at original na mga character sa bagong kwento at mga bagong character. Sinisiguro ko sa lahat ng mga Pilipino na mas maganda, mas maantig, mas maaksyon, at mas madrama ngayon ang FPJ’s Batang Quiapo,’” sabi ni Coco.

Rumampa sa red carpet ang mga bagong cast member sa pangunguna nina Jake Cuenca, Andrea Brillantes, Albert Martinez, Angel Aquino, Chanda Romero, Shamaine Buencamino, Juan Rodrigo, Dante Rivero, Michael de Mesa, at Celia Rodriguez, kasama sina Paolo Paraiso, Albie Casiño, Gillian Vicencio, Alhdrin John Opilac, Ahl Opilac, at Diana Opilac.

Layunin daw ng Saludo Kay Tanggol homecoming ang pasalamatan at bigyang-pugay ang lahat ng bumubuo ng FPJ’s Batang Quiapo na nagsisilbing No. 1 primetime teleserye.

Pinangunahan nina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, at Star Magic and TV production head Laurenti Dyogi ang pagsalubong sa lahat ng members ng cast, creative team, production staff, at mga director.

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with