Uge, ‘di tinago na walong taon sa kolehiyo!
Ang bongga naman ng aktres na si Eugene Domingo na naglunsad na ng kanyang YouTube channel.
Maraming nilantad si Uge tungkol sa kanyang sarili at sinagot ang mga tanong ng mga tagahanga niya.
Isa sa mga nilantad niya ay nang inabot daw siya ng walong taon sa kolehiyo, na hindi niya kinakahiya.
Isa raw iyon sa mga desisyon niya sa buhay na never niyang pinagsisihan na tinapos niya ang edukasyon niya.
Dalawang state universities daw ang pinasukan niya.
Nagtapos daw siya ng Bachelor of Arts in Theater Arts sa University of the Philippines Diliman at doon daw siya nag-overstay. Ang sarap daw kasi sa university.
Habang naka-isang taon daw ang actress-comedienne sa Polytechnic University of the Philippines.
Mas gusto raw niya sa state universities dahil wala siya masyadong panggastos sa pag-aaral. Ayaw raw talaga niyang gumastos masyado ‘pag nag-aaral lalo na nung college siya.
Gusto lamang daw talaga niyang makatapos ng kolehiyo nang may diploma na kahanga-hanga nga kay Uge.
Maaalalang nabanggit noon ng international actress na si Dolly De Leon na tinulungan siya ng kaibigang si Uge noong magipit siya kung saan sinagot daw nito ang tuition ng anak niya.
Napatigil daw niya noon ang anak sa pag-aaral dahil wala na siyang pambayad ng tuition.
Isa nga raw si Uge sa mga kaibigang sumuporta sa kanya at tatlong taon daw nitong binayaran ang tuition ng anak niya.
Alam nga kasi siguro ni Uge ang pakiramdam ng estudyanteng walang kakayahang makapag-aral. Bongga.
- Latest