Ang gandang basahin ng interaction sa Instagram ni Bianca Gonzalez with Kapuso hosts after nitong mag-post na nagkapirmahan na ng kontrata ang ABS-CBN at GMA Network para sa PBB collab. Post si Bianca ng “signed and sealed!!” at nasa picture ang mga Kapamilya at Kapuso executives at si Robi Domingo. Nakangiti ang lahat na nasa larawan, patunay na masaya sila sa collab.
Nag-comment agad si Iya Villania ng “Isn’t it amazing?!?” na sinagot ni Bianca ng “happy you got to finally see BB’s house.”
Sunod na nag-comment si Lyn Ching na isa sa host ng Unang Hirit ng GMA 7 at tanong nito, “So... kelan kita makikita sa @unanghirit?” Ang sagot ni Bianca ay “hiii” with laughing emojis. Sa sagot na ito ni Bianca, baka nga may chance na mag-guest siya sa UH kahit sa promo ng PBB Celebrity Collab Edition.
Senatoriable na tumanggi sa debate, ayaw palampasin ni Igan
Sino kaya ang blind item ni Arnold Clavio na senatoriable na hindi pumayag maging part ng Senatorial debate. Sabi raw ng senatoriable, “Hindi ko kailangan yan” na ibig sabihin, hindi niya kailangang mag-participate sa mga debate.
Comment ni Arnold, “hindi porke’t pasok ang pangalan mo sa Top 15 sa mga political surveys ay di mo na haharapin ang publiko para mapulsuhan ka sa mga mahalagang usapin- bigas, kuryente, petrolyo, edukasyon, pabahay.
“Ayon sa Commission on Electiobs (COMELEC) nasa mahigit 68.8 milyon ang rehistradong botante. Samantalang ang mga respondents ng mga political surveys dito sa Metro Manila nasa 1,000-1,500 lamang.”
Hirit pa niya sa senatoriable na hindi pumayag sa debate, “Kaya kampante si G. Suplado eh. Natatakot ka lang yata sa sarili mong multo at baka maungkat pa ang mga isyu mo ng katiwalian. Abuso at kapabayaan. Malaman pa ng mga walang nalalaman.”
Gusto tuloy malaman ng mga nakabasa ng post na ito ni Arnold sa Instagram kung sino ang senatoriable na ito at saka bakit ayaw niyang mag-participate.