Kahit busy bilang owner at chef ng That’s Diner, nagagawa pa rin daw ni Christopher Roxas na mapagsabay ang magluto at umarte.
May gagawin na pelikula ang mister ni Gladys Reyes with Erik Matti na On The Job 3. Pinipili raw nang husto ni Christopher ang acting projects na inaalok sa kanya at ‘di raw niya mahindian si Direk Erik. “Kung maganda ang role, tatanggapin ko. Pero kung simpleng tatay lang, mas pipiliin ko ang negosyo namin.
“Mas priority ko itong resto business namin. We try to come up with exciting and delicious dishes everyday para sa masa at middle-class customers sa branch namin sa San Pedro at dito sa main branch sa Cainta,” paliwanag niya.
Araw-araw ay naglalaan si Christopher ng dalawang oras para sa mentoring at accounting. Kung may bagong idea para sa menu ay nag-eeksperimento sila. “Authentic na lutong Pilipino na simple pero masarap. Hindi kasi ako fan ng maraming fusion sa pagkain. Gawin mo lang nang tama at totoo. ‘Yung mag-enjoy ang lahat kainin.”
Isa raw sa success ng resto business ay ang magandang suporta nina Christopher at Gladys sa isa’t isa. Maganda raw ang tandem nila kaya tumagal sila ng 32 years. “Basta open ang communication namin kahit pareho kaming busy. Tulad ng negosyo, you learn something new sa partner mo araw-araw. Matuto tayong makinig sa isa’t isa at mag-improve sa maraming bagay-bagay sa pagsasama ninyo.”
Arra, gustong burahin ang tungkol sa kanila ni Paolo
Matatapos na raw siguro ang pag-link ni Arra San Agustin kay Paolo Contis dahil kinumpirma ni Arra na nagkabalikan na sila ng boyfriend niyang si Juami Tiongson.
Ayon sa Sparkle actress, wala raw siyang nakikitang lalaki na nakahigit o nakapantay sa “standard” ni Juami. “He’s very loyal, he’s so patient. Siya lang po ‘yung tao na nakakita na siguro ng totoong colors ko,” sey niya na noong 2022 nakipaghiwalay sa basketball player boyfriend.
Hoping ang My Ilonggo Girl star na mag-stop na ang anumang malisyosong chismis sa kanila ni Paolo na ilang beses na niyang nai-deny.
Alec Baldwin at pamilya, may reality show
Magkakaroon ng sarili niyang reality series sa TLC (The Lifestyle Channel) ang controversial Hollywood actor na si Alec Baldwin at misis niyang si Hilaria. Ayon sa TLC: “The series promises to be a blend of the family’s ups and downs, and will feature the challenges and humor that come while raising a large family in the public eye.”
Kasama rin sa series ang pitong anak nina Alec at Hilaria.
Sey ng 3-time Emmy-winning actor: “This series gives viewers a glimpse into our lives as a family — the good, bad, wild, and everything in-between. We hope viewers will connect with our experiences and the love we share.”
Magpre-premiere ang The Baldwins on Feb. 23 on TLC.