Napanood ang Kapuso star na si Jak Roberto sa It’s Showtime nitong Lunes (Jan. 27) bilang guest judge sa segment na Sexy Babe. Bilang judge, nagbigay siya ng kanyang komento para sa contestant.
Ayon sa Kapuso hunk, plus points para sa kanya ang mayroong may takot sa Diyos. “‘Yung physical appearance kasi given na, parehas silang sexy, sobrang hirap mamili. Pero mas nag-stick ako doon sa personality and napakahalaga sa akin na may takot sa Diyos dahil sinabi niya, nagse-senakulo ka ‘di ba? Nag-senakulo rin kasi ako bilang Christ naman sa San Pablo. Para sa akin, plus points sobra,” sabi ni Jak.
Hirit pa niya, “Ano ‘yung kinanta mo kanina? Kung magiging sa’yo ako, hindi na ako luluha pa? Joke lang, joke lang. Sakto, Jak and Jill.”
Nag-react naman ang hosts sa swabeng hirit ng aktor. Ani ng actress-host na si Kim Chiu, “Iba talaga si Jak, swabe.”