MANILA, Philippines — Nakakatuwa si Gladys Reyes.
Very grateful siya sa entertainment media.
Sa kabila ng makabagong panahon na social media na ang priority ng maraming celebrity ay ang mga content creator, hindi talaga nakakalimot si Gladys at pinagdidiinan niya kahit na ganun ang sistema sa kasalukuyan, pakiramdam niya ay kailangan pa rin niya ang entertainment media.
Kahapon nga ay nag-blowout siya sa mga kaibigang entertainment media, dun sa That’s Diners.
Pinatikim niya ang mga specialty ng bago nilang restaurant ng kanyang mister na si Christopher Roxas.
Specialty ng That’s Diner ang bulalo, iba’t ibang luto ng bulalo. Mahusay na chef ang mister niya. Kaya naman may iba’t ibang twist ang mga inihahain nila sa amin.
Tulad ng kare-kare bulalo. OMG, ang sarap. Hindi na kailangan ng bagoong. Winner na kaagad.
Panalo rin ang grilled bangus with Bicol express.
Ganundin ang dinakdakan. Para siyang sisig pero ang isang bagay na naiiba sa dinakdakan gumagamit ito ng luya, habang ang sisig ay hindi. Ayon kay Gladys, naging instant favorite ito ni Vice Ganda kasi nga authentic ang lasa at hindi fake.
Bukod sa magandang review ng mga pagkain sa kanilang bagong bukas na restaurant, ang ganda rin ng pasok ng 2025 sa actress na isang award-winning kontrabida.
May teleserye na siya sa GMA 7 na uumpisahan at may dalawang Netflix movie siya na ipalalabas.
‘Yung isa ay tapos na, pero ‘yung isa ay bawal pang sabihin kung anong concept o mga kasama niya dahil may agreement na bawal pa silang magsalita tungkol dun.
At sa nasabing lunch ini-launch officially ni Gladys ang kanyang YouTube channel – Gladys Reyes Channel.
Medyo late na raw siya pero pinaghandaan niya raw talaga ang mga content. Like may interview sina kina Maricel Soriano, Eugene Domingo, at marami pang iba.
Matagal-tagal na raw ito pero hindi siya kasi active.
Anyway, 32 years na sila ni Christopher at luckily, hindi sila nagkaroon ng major major fight bilang mag-asawa.
Mga bata pa sila nang magkainlaban kaya talagang, masasabing may forever ang kanilang pagsasama.
‘In his perfect time…’ – Alex
Naniniwala pa rin ang mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga na darating ang tamang oras para magkaroon sila ng anak.
Nakaranas na ng tatlong miscarriage si Alex pero ‘di sila nawawalan ng pag-asa.
Kasabay nito ang pasasalamat sa mga kasama nilang nagdarasal at umaasang magiging mga magulang din sila.
At nagpasalamat din sila sa Diyos na nakita nila ang embryo at narinig nila ang tibok ng puso ng kanilang baby sa loob ng kanyang sinapupunan.
Post ni Alex kahapon na dinagsa ng maraming inspiring messages:
“As long as we have love and faith in God, we will be okay. This is the small but beautiful miracle we hold onto. We will never forget that moment when God blessed us with the sight of an embryo and the sound of a heartbeat in my womb.
“To everyone who has messaged, sent gifts, and prayed with us, thank you from the bottom of our hearts. Salamat po. All your kindness and words mean so much to us. It’s so overwhelming to know na napakarami sa inyo ang kasama namin ni Mikee in prayer, hoping for the day we become parents.
“In His perfect time, we believe. ”