Ex ni Anthony nasaktan, nagka-billboard

Jamela

MANILA, Philippines — May endorsement na at may billboard pa ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings na si Jamela Villanueva.

At magkakaroon siya ng sariling press launching today.

Yup, may magandang epekto rin naman ang naranasan niyang sakit sa ex na actor matapos ang matagal nilang relasyon.

Ilulunsad siya bilang brand ambassador ng Ampong Dental Essentials.

Naniniwala raw ang kumpanya na si Jamela ay perpektong endorser para sa nasabing produkto dahil kinakatawan nito ang empowerment, courage, at authenticity, na kilala sa walang takot na paninindigan para sa kanyang katotohanan at nagbibigay-ins­pirasyon sa iba na gawin din ito na of course ay tungkol ito sa pagtindig niya nang madiskubre ang tungkol kina Anthony and Maris Racal.

Sa pagsisimula niya sa isang bagong kabanata sa kanyang buhay, kinakatawan din daw ni Jamela ang katatagan na naaayon sa programa ng Ampong Dental Essentials ayon sa  President & CEO Dra. Camille Ampong Casas.

Maaalalang nilantad ni Jamela ang diumano’y relasyon ni Anthony sa kanyang ka-loveteam na si Maris Racal kalakip ang mga resibo ng nasabing diumano’y relasyon nila.

Sabog ‘yun sa social media at ang anda­ming nakisawsaw.

Pero nalampasan naman ni Maris at ngayon parang nagiging normal na ulit ang kanyang mga kilos sa social media. 

Show comments