Nag-sorry si Alex Gonzaga sa kanyang mister na si Mikee Morada sa muling pagkawala ng kanilang baby matapos siyang makunan kamakailan sa ikatlong pagkakataon.
Matatandaang ini-reveal ni Mikee sa vlog ni Toni Gonzaga na nagkaroong muli ng miscarriage ang kanyang misis nitong nakaraang Disyembre lang.
Sa latest vlog in-upload ni Alex sa YouTube, mapapanood ang intimate celebration niya ng kanyang kaararawan last Jan. 16 kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.
Bukod sa intimate dinner ay nagsagawa rin siya ng charity sa Lipa City Hospital noong Jan. 17 at nagbigay ng pagkain at donasyon sa mga bagong panganak na momsies.
Masaya naman si Alex kahit na that time ay katatapos lang niyang makunan.
Sa dulo ng vlog ay ipinakita rin niya ang ilang clips habang nasa ospital siya para magpa-raspa na usually ay ginagawa after the miscarriage.
Tinapos niya ang vlog sa pamamagitan ng open letter para kay Mikee.
“Dearest Mikee, I’m so sorry again for our loss. The little miracle we had will always stay with us. Let’s keep believing. By God’s grace, we will have the family we have always prayed for. Love, Catherine,” ang written message ni Alex sa asawa.
Andrea, pasok na sa Quiapo…!
Ini-reveal na ng FPJ’s Batang Quiapo ang mga bagong karakter na papasok sa action series na idinidirehe at pinagbibidahan ni Coco Martin.
Pasok sina Andrea Brillantes, Jake Cuenca, Angel Aquino, Juan Rodrigo, Paolo Paraiso, Gillian Vicencio, Shamaine Buencamino and screen veterans Michael de Mesa, Albert Martinez, Dante Rivero, Chanda Romero, at Celia Rodriguez.
Ayon na rin sa ulat ng ABS-CBN news, ipinakilala ang bagong cast members sa ginanap na Kapamilya Grand Welcome kahapon (Tuesday) na dinaluhan din of course ni Coco at ng iba pang co-stars niya tulad nina Charo Santos, McCoy de Leon, John Estrada, Cherry Pie Picache and Christopher de Leon.
Present din sa event ang ABS-CBN executives na sina Cory Vidanes, Carlo Katigbak and Mark Lopez na nagbigay ng kanilang pasasalamat para kay Coco at sa FPJBQ.
“Wala pa tayong istasyon, wala pa tayong prangkisa, pero nangingibabaw pa rin ang pag-asa natin... Sana alalahanin natin kung bakit natin ginagawa ito, hindi para sumikat kung hindi magbigay saya at inspirasyon at pag-asa sa ating pamilya. Dahil sa galing ng pagbibigay serbisyo niyo sa ating bayan, kumikita tayo at nakakatulong tayo sa pamilya natin sa ABS-CBN at sa sarili nating pamilya. So sa lahat po ng ginagawa niyo para sa Filipino at sa pamilya natin sa ABS-CBN – Coco at inyong mga kasama sa Batang Quiapo maraming-maraming salamat,” pahayag ni Mr. Katigbak.
Nahingan din ng reaksyon si Coco na ang kanyang show ang naging pag-asa ng network during the trying times.
“Ano lang po talaga iyon po ay sa pagtutulungan ng lahat po ng empleyado at mga show ng ABS-CBN. Nagtulung-tulong para lahat magkaroon ng hanapbuhay, maka-survive ang kumpanya at makapagbigay ng saya at inspirasyon sa bawat pamilyang nanonood gabi-gabi sa Batang Quiapo,” sey ni Coco.
Sa ngayon ay pumapasok na sa ikatlong taon ang FPJBQ at ayon nga kay Coco ay marami raw silang pasabog na inihanda para sa serye kasama ang mga bagong cast member.