Imogen, magpapaindak ulit 

MANILA, Philippines — May bagong hatid na nakakaindak na awitin ang miyembro ng It’s Showtime Kids na si IMOGEN na pinamagatang KOKOBOM at mapapakinggan na simula Biyernes (Enero 31).

Una niyang ipinarinig ang kanta sa kanyang opening production number sa It’s Showtime kamakailan sa pagdiriwang ng kanyang ikawalong kaarawan.

Magiging bahagi ang KOKOBOM single ng upcoming debut album ng batang Kapamilya star.

Isinulat ito nina Elinor Jernsand at Nick Jarl at inareglo at prinodyus ng ama ni IMOGEN na si Rey Cantong ng bandang Six Part Invention sa ilalim ng Star Music record label ng ABS-CBN.

Si IMOGEN ang nasa likod ng viral song na Mini Ms. U. Kabilang din sa mga inilabas niyang kanta ang novelty tracks na Da Da Da at Ang Init Init at ang remake niya ng OPM classic na Sana.

Sumabay sa kantahan at sayawan na handog ng KOKOBOM ni IMOGEN simula Biyernes (Enero 31) sa iba’t ibang music streaming platforms (https://orcd.co/Kokobom_IMOGEN).

Show comments