Mga endorsements ni Alden, pinag-iinitan ng mga haters
Magbabalik sa All-Out Sundays si Alden Richards simula February 9, bagay na ikinatuwa ng kanyang fans. Masaya ring in-aanounce ng aktor sa interview sa kanya ni Aubrey Carampel sa 24 Oras Weekend ang bagay na ito.
“Babalik tayo as- like the way we used to before, host and prods din as well. Nakaka-miss din, lahat sila du’n good friends natin and siyempre para get the chance din to meet the new ones as well, the new artists ng All-Out Sundays so excited ako. See you, mga Kapuso,” wika ni Alden.
Pero, kung marami ang natutuwa na magbabalik-AOS si Alden, may mga hindi rin natuwa at ngayon pa lang, bina-bash na nila ang aktor. Pero dedma naman ang aktor.
Pati ang mga bago niyang endorsement, may hanash din ang mga haters ng aktor. Hindi raw bagay sa kanya ang mag-endorse ng produktong sabon dahil hindi naman siya naglalaba. Sagot ng kakamping fans ni Alden, bakit nung si Luis Manzano pa ang endorser nito, hindi naging isyu kung naglalaba ba ito?
Pati ang pagiging brand ambassador ni Alden ng isang brand ng motorsiklo, may mga nag-iingay din dahil hindi naman daw ito gumagamit ng motorsiklo. Kaya lang, sa TVC nito, makikitang nakasakay siya sa motor at may past videos ito na nakasakay sa motorsiklo.
Kathryn, may papel sa anak nina Ria at Zanjoe
Magkumare/kumpare na sina Kathryn Bernardo at mag-asawang Ria Atayde at Zanjoe Marudo dahil kabilang si Kathryn sa mga ninang sa eldest ng Marudo couple. Sa post ni Zanjoe na “Blessed and loved beyond measure. Sabino’s ninangs are here to guide and support him every step of the way.”
Naka-tag sina Kathryn, Jane Oineza, Gela Atayde, Tish Aganon, at Sam Sadhwani. Hindi natin alam kung mga ninang silang lahat. Nasa photo naman sina Arjo Atayde, LA Tenorio, at Enchong Dee. Sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park bininyagan si Marcel Sabino.
May post din ni Zanjoe ng maraming gifts na bigay ng ninong at ninang ni Sabino.
Kampo ni Vic, may bagong apela sa korte
Deleted na sa Instagram ni Pauleen Luna ang comment ng mga netizens na kahit inutos ng Korte ang controversial trailer ng “The Rape of Pepsi Paloma,” ipalalabas pa rin ang nasabing pelikula dahil trailer lang ang inutos na itigil ang pagpapalabas at burahin.
Ang sagot ni Pauleen, “yung trailer ang may malisya. The case was about the trailer.”
May iba pang comment at may sagot si Pauleen, pero deleted na ang mga ‘yun sa kanyang IG. Sa Facebook post ng lawyer ni Vic Sotto na si Atty. Buko dela Cruz, Jr., may binanggit itong next step nila ay mag-focus sa cyber libel complaint laban kay director Darryl Yap.
“Nagpapasalamat kami sa kagalanggalang na hukuman dahil naging patas ang pagdinig at nabigyang hustisya ang idinulog na reklamo ni Mr. Vic Sotto.
Sana ay alisin na agad ang teaser video na ginamit ang panglan ni Mr. Vic Sotto at tanggalin na din ang anumang promo materials na may pangalan at iba pang sensitive personal information ni Mr. Vic Sotto.
We are thankful for this decision.
May cyberliber case pa kami against Mr. Yap. Doon na kami mag focus ngayon. Thanks.”
Kasama na kaya sa cyber libel case ang pagpigil na maipalabas ang TROPP na February 5, 2025 na ang playdate? Ito ang sunod na aabangan ng sambayanan, kung maipapalabas ba ang pelikula sa nabanggit na playdate o hindi.
- Latest