Darren, naloka sa ‘photo album’ ni Kim sa EDSA!
Kinaaliwan ang pinost ni Darren Espanto sa pag-road trip nila ng bestie niyang si Kim Chiu sa EDSA kung saan inokray-okray nito ang aktres.
Habang bumibiyahe nga sila ay panay ang biruan nila sa loob ng kotse ni Kim.
Pero napansin ni Darren ang billboard nila ng mga co-host sa noontime show nilang It’s Showtime. Na-excite pa siyang makita ang litrato nila at tinawag niya si Kim at natatawa silang nag-promote ng ine-endorse nilang brand.
At ginawa niya ring katatawanan ang isang billboard ni Kim na may nakaharang na poste sa mukha nito na tinawanan nila pareho ang biro ng singer-actor.
Hanggang sa napagtanto niya na panay mukha ni Kim ang nakikita niya sa daan kaya gumawa ito ng mini game at tinawag na “Finding Kim Chiu.”
Aliw ang pang-ookray ni Darren na ginawa raw ng bestie niyang photo album ang EDSA na ang tinutukoy ay puro billboard na lang ng My Love Will Make You Disappear actress.
Wala ngang duda na isa si Kim sa mga in demand na endorser sa kasalukuyan.
Tuluy-tuloy pa nga ang bardagulan nila sa byahe at nagpasalamat si Darren sa ride.
Pero hindi nga ito maka-move on at inulit ang pagsabi na ang dami raw ads ng bestie niya.
Habang ang ibang netizens naman ay na-cute-an sa kanila at may chemistry pa raw. Pero mag-bestie lang ang dalawa at normal na nga sa kanila ang bardagulan na madalas din nilang gawin sa Showtime.
Bongga.
- Latest