Cassy, apektado ang buhay sa hypothyroidism!

Cassy Legaspi

Isang health update ang ibinahagi ng Kapuso star na si Cassy Legaspi kasama ang kaniyang kambal na si Mavy.

Ayon sa aktres ay nahirapan daw ito magpapayat matapos ma-diagnose with hypothyroidism. Nakaapekto rin daw ito sa kaniyang overall health.

“I was fatigued tapos intense falling hair. Sobra talaga! Tapos palagi akong nilalamig, parang may fever ako palagi, pero fever na nilalamig, parang ganoon.

“Hindi ko ma-explain, but I was always sick tapos hindi ko na kaya mag-gym, mag-workout, at hindi na ako madaldal. Who is Cassy without being madaldal?” tawa pa niya.

Ngunit dahil din naman dito ay nagkaroon siya ng bagong mindset sa kanyang fitness journey.

“Iyong friends ko and my family, napapansin nila, parang medyo tumamlay ako. So noong nagpa-check up ako, I started thinking na, ‘Okay, I think ‘yung goal ko is – ayaw ko nang… gusto ko magpapayat, ganun. I think my new goal is to be healthy.

“E noong na-change ‘yung mindset ko na gusto kong maging healthy, aba! Pak! Ganoon pala ‘yun, guys. Ganoon pala ‘yun. All this time.

“Sabi ko talaga, ‘Alam mo, at this point, Cassandra, ‘wag ka nang magpapayat maging healthy ka muna. Pagkatapos ng healthy, doon ka na maging sexy. Parang ganoon, may abs at may muscles!”

Boobay, marunong na ring mag-chill

Makabuluhan ang ibinahaging paalala ng certified “raket queen” na si Boobay tungkol sa kahalagahan ng work-life balance.

Ayon sa Kapuso comedian, pinapahalagahan na niya ngayon na magpahinga once in a while at hindi puro work.

“Very important ‘yun. Dati hindi ko siya talaga ginagawa, pero ngayon napaka-importante na niya. Kahit mga konting pasyal lang to reward yourself, ginagawa ko na ngayon.”

Isa raw sa pinapasyalan ni Boobay ay ang Baguio.

“Gusto ko lang mag-ikot-ikot, kasi ang lapit na lang four and half hours lalo na ‘pag madaling araw. So, Maghapon ka na dun, kakain ka lang sa Session Road mag-ikot-ikot. Lumanghap ng sariwang hangin, makakapag-reminisce nung mga ginawa mo nung time na ‘yun dun.

“Para sa akin napaka-importante nu’n, kailangan mo minsan ini-schedule mo minsan talaga. Sasabihin mo, ‘eto kailangan ito by April dapat pupunta akong Thailand ganiyan,’ way of rewarding yourself na hindi mo ginawa before.

“‘Di ba na ang maganda diyan, hindi siya late mo na-realize. So nagpapasalamat ka na alam mo ‘yung dumating na ‘yung point na kaya mo na, able ka na to reward yourself. ”

Tinamaan siya ng mild stroke noong 2016.

“Advice sa akin ng doctor ko kailangan daw hindi ako nag-o-overthink na once na nangyari ‘yun at least magbakasyon ka. Punta ka sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan para ba makabalik sa sistema ‘yung mga bagay-bagay.”

Show comments