Keempee, mas piniling maging single
Inamin ni Keempee de Leon na naging hobby niya ang manligaw noon kaya marami siyang nakarelasyon na taga-showbiz.
“During my time kasi, ako ‘yung tipong select and collect eh. So ‘pag meron kaming bagay na hindi napagkasunduan, wala, totally iwasan na lang. Goodbye na lang, gano’n. Wala nang closure talaga,” sey niya na pinagsisihan ang kanyang ginawa sa ex-girlfriends.
Na-realize nga ng aktor na mali ang pagtrato niya sa mga nakarelasyon niya kaya humingi raw siya ng tawad sa mga ito. “Na-realize ko na ‘yung mga bagay noong nagkaedad na ako, nag-sorry ako sa kanila. Kaya I chose to be single. Binigay ko muna ‘yung time ko sa Diyos. I have the peace and joy of God.”
Ilan sa mga naging girlfriends ni Keempee noon sa showbiz ay sina Manilyn Reynes, Carmina Villarroel, Vina Morales, Jessa Zaragoza, Ara Mina, Sunshine Cruz at Cristine Reyes. Niligawan din niya noon sina Aiko Melendez, Mikee Cojuangco at Donna Cruz.
Napapanood ngayon si Keempee bilang si Dado Pascual sa Prinsesa ng City Jail.
Rodjun, may pinaghandaan
Excited ang Kapuso hunk na si Rodjun Cruz na mapasama sa Lolong: Bayani ng Bayan dahil masusubukan na niyang gumawa ng action scenes.
Magkakasunod kasi na drama series ang ginawa niya last year kaya iba raw ngayon.
Gaganap si Rodjun bilang isa sa rebeldeng Atubaw na lalaban para ipaghiganti ang kanilang lahi. Hindi sinabi ng aktor kung kakampi o kalaban ba siya ni Lolong.
Naghanda raw siya nang husto at nag-workout daw ito para makasabay sa husay sa action ni Ruru Madrid.
Demi Moore, first time ma-nominate sa Oscar
After 44 years working as an actress in Hollywood, nakakuha ng kanyang first Oscar nomination for best actress si Demi Moore para sa pelikulang The Substance.
Ayon sa 62-year-old actress, never daw niyang in-expect na mano-nominate siya for an Oscar balang araw “Being nominated for an Oscar is an incredible honor, and these last few months have been beyond my wildest dreams. Truly, there are no words to fully express my joy and overwhelming gratitude for this recognition. I am deeply humbled,” sey ni Demi na nanalo na ng best actress sa Golden Globe Award kamakailan.
Nagsimula si Demi noong 1981 sa American soap drama na General Hospital. Naging miyembro siya ng ‘80s Hollywood Brat Pack with Rob Lowe, Ally Sheedy, Emilio Estevez, Judd Nelson, Andrew McCarthy, Molly Ringwald, at Anthony Michael Hall na nakasama niya sa mga pelikulang St. Elmo’s Fire and About Last Night.
Nagpakita din ng kanyang husay sa pag-arte si Demi sa mga pelikulang Ghost, A Few Good Men, Indecent Proposal, Disclosure, Mortal Thoughts, The Seventh Sign at Corporate Animals.
- Latest