Will, hopia sa pagbabati nina Sofia at Jillian
Kinumpirma ni Will Ashley na naayos na ang hindi nila pagkakaunawaan ni Sofia Pablo. Umaasa rin siyang magkakaayos din sina Sofia at Jillian Ward.
Nabanggit ni Sofia na ilang taon din silang hindi nag-usap ni Will. Pero nagawa nila itong pag-usapan at ayusin bago pa man sila magkatrabaho sa Prinsesa ng City Jail. “Before po we started taping, we talked. ‘Yun po ‘yung point ko na I think darating naman din ‘yun with Jillian when the time is right.
“Kapag may taong nag-start na ‘Ba’t ‘di kayo mag-usap?’ Kasi ‘yun po ‘yung nangyari with Will. Naging OK kami kasi we both wanted to be OK na,” sey ni Sofia.
Ayon kay Will: “Isang tinik ang nabunot after how many years. Totoo naman po ‘yon kasi parang nagkaroon lang din ng misunderstanding. Kumbaga hindi kami nagkaroon ng chance makapag-usap nang gano’n katagal kasi nga pareho din kaming naging busy.”
Tungkol sa problema nina Sofia at Jillian, saad ni Will: “Kung ano man ‘yung problema nila eh kasi, I mean, hindi naman po ako ‘yung makakaayos nu’n eh. Kumbaga it’s for them to fix.”
- Latest