Carla, na-bash sa pagiging inggitera sa mga content creator sa US at Canada

MANILA, Philippines — Tila nagbabalak na ang aktres na si Carla Abellana na mag-migrate nang malaman nito kung gaano kalaki ang kinikita ng content creators sa US at Canada.

Napa-OMG nga ang Widows’ War actress.  “Grabe pala ang kinikita ng content creators sa ibang countries like the US and Canada! OMG!

“Even from the Instagram alone or YouTube. Crazy! Like Luging lugi kami dito, guys. As in super lugi.”

Halu-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizen sa sinabi niya at ang iba ay masyadong sineryoso ang hanash ni Carla.

Inakusahan pa siya na tila nagpaparinig na raw ba agad ito ngayong katatapos lang ng programang pinagbidahan nila ni Bea Alonzo na Widows’ War.

Sey naman ng ibang netizen ay mas malaki raw talaga ang kita sa US dahil mas malaki raw ang market ng mga ito roon na ang ibig sabihin ay mas malawak din ang reach nilang audience.

Na-bash pa siya at sinabing nahiya naman daw ang mga middle working class at ordinaryong empleyado na overworked at overtaxed sa milyones na kinikita niya.

Kinumpara pa siya sa ex-husband niyang si Tom Rodriguez na binalikan pa ang career niya rito na ang ibig sabihin ay tanggap daw nito na dito talaga siya kikita. 

Habang ang iba ay naawa sa kanya na mukhang nasimot daw talaga ang savings nito dahil parang lagi raw itong problemado sa pera.

Maaalalang inamin ng aktor na isa sa dahilan ng hiwalayan nila ay naubos ang pera niya matapos maloko. Sinasabing nadamay rin daw ang pera ng aktres doon.

Dinepensahan naman siya ng mga tagahanga niya sa basher at sinabing mukhang nagbibiro lang naman ang aktres at na-bash agad.
 

Show comments