^

Pang Movies

Janice, ayaw na ulit sumubok sa lalaki

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Malapit nang magtapos ang Lilet Matias : Attorney-At-Law, pero may pahabol pang guest. Guest si Janice de Belen sa nasabing afternoon prime ng GMA 7, nagkita at may photo sila ni director Adolf Alix Jr., pero hindi pa sinabi kung anong role ang gagampanan ng aktres.

Freelancer si Janice at kahit madalas siyang napapanood sa mga show ng ABS-CBN, puwede pa rin siyang mag-guest sa ibang network, gaya sa GMA. Kung hindi kami nagkakamali, hindi ito ang first time na lumabas siya sa Kapuso network, hindi lang namin maalala kung anong programa ng GMA ang nakasama siya.

Anyway, kung ang anak ni Janice na si Kaila Estrada ay sa ABS-CBN napapanood, siya naman ay sa GMA. Very proud siya kay Kaila, lalo na kapag sinasabing mahusay na aktres ang kanyang anak. Papasa rin itong modelo dahil sa height at awrahan.

Ang isa pang anak ni Janice na si Moira ay engaged na at ang isa pang anak na si Inah ay partner ni Jake Vargas. As for Janice, tila wala na siyang balak magka-love life pa, masaya na raw siyang single sa piling ng mga anak.

Rufa Mae, pinagmalaki ang mensahe ng anak

Very proud si Rufa Mae Quinto sa anak niyang si Athena sa pagiging matalino. Pinost ni Rufa ang sariling composition nito at message to the parents and their children.

“Your skin is not a paper, don’t cut it, your heart is not a door, don’t lock it. Your life is not a movie so don’t end it, your life is perfect who you are.”- Athena.

“My daughters message to her parents and all the kids sabi nya!”

“I asked her if I can post this, go go go daw! Yes siya po nag-isip at nag compose nito. Mana sya sa akin mahilig gumawa ng quotes, sayings, writings, words of wisdom, poem, author, oratorical... English version ko nga lang sya.”

 Speaking of Rufa, nagkaroon sila ng reunion ng mga co-host niya sa show ni Willie Revillame na sina Mariel Rodriguez, Shalani Soledad, Grace Lee, at Camille Villar. Reunion at advance birthday celebration ‘yun ni Camille, kaya doble ang saya ng girls sa pagkikita-kita nilang ‘yun.

Cassy at Michael, pinaamin na sa relasyon!

Magdyowa ba sina Cassy Legaspi at Michael Sager? Kaya namin ito naitanong dahil may nabasa kaming comment na pinuri si Mavy Legaspi dahil matapang na flinex si Ashley Ortega. Wish ng fans, ma­ging matapang din sina Cassy at Michael na aminin ang kanilang relasyon.

Wala ka­ming nabalitaan na couple sila and in fact, sinagot ng fans ni Cassy ang comment na sana ma­ging matapang sila na aminin ang kanilang relasyon. Single raw si Cassy at wish ng fans nito na lumayo siya kay Michael dahil flirt daw ang aktor. Totoo ba ito?

Anyway, karamihan sa fans ay pabor sa Ashley at Mavy relationship dahil bagay raw ang dalawa sa looks at sa height. Ang hinihintay na lang ng fans ay aminin nila ang kanilang relasyon in public, mag-guest daw sila sa Fast Talk with Boy Abunda o kaya magpa-interview sa Chika Minute ng 24 Oras.

Mas maganda raw kung bukod sa slight na PDA, gaya ng holding hands at pag-akbay ni Ashley kay Mavy, marinig din nila sa dalawa ang pag-amin na sila na nga.

May pagka-demanding ang AshMav shippers, on the other hand, tama sila. Aminin na ang dapat aminin para mas masaya.

RUFA MAE QUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with