Piolo at James, magpapakilig!
MANILA, Philippines — Balikan ang mga nakakakilig na pagtatanghal nina Piolo Pascual at James Reid at ang Pinoy alternative collab act mula kina Bamboo at Yeng Constantino sa ASAP ngayong Linggo (Enero 26) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Makakasama rin nina Bamboo at Yeng ang OPM icons na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Erik Santos, at Angeline Quinto. Subaybayan din ang hot na hot performances mula kay Kim Chiu at Dance Sirens na sina Chie Filomeno, Anji Salvacion, at Loisa Andalio at isang nakakabilib na sayawan mula kina Gela Atayde, Ken San Jose, Jameson Blake, Fyang Smith, at JM Ibarra.
Humanda para sa libreng concert experience mula kina Jose Mari Chan, Regine, Gary, Darren, Khimo, Reiven Umali, JM Yosures, JM Dela Cerna at Marielle Montellano. May pasabog na performance rin sina KZ Tandingan, Adie, Darren, at Rockoustic Heartthrobs na sina Kice, Kobie Brown, Luke Alford, Blackburn, Anthony Meneses, at Jarren Garcia.
Abangan naman ang trending covers mula sa OPM icons na sina Gary, Yeng, Martin, Angeline, Erik, Zsa Zsa, Ogie, at Regine. Makikisaya rin ang hosts na sina Robi Domingo, Belle Mariano, Darren, Maymay at Edward Barber.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, ASAP, 12 nn sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
- Latest