ABS-CBN, magkaka-franchise na ulit?

MANILA, Philippines — Magkaka-franchise na raw ba ulit ang ABS-CBN?

Iyan ang tanong ng marami matapos kumalat ang litrato nina ABS-CBN President and CEO, Carlo Katigbak at ABS-CBN Chairman Mark Lopez kasama sina Cong. Gus Tambunting, na kasalukuyang chairperson ng Legislative Franchise Committee, at misis nitong si Joy.

Tingin ng mga netizen ay malapit nang magbalik ang Kapamilya network sa free TV matapos maghain ni House Committee on Ways and Means Chairperson at Albay 2nd District Representative Joey Salceda ng batas na muling magkakaloob sa ABS-CBN ng 25-year broadcast franchise.

Sa isang interview kamakailan, sinabi ni Rep. Salceda na “Kailangan ng kalaban ng GMA pagdating sa reporting on disasters.”

Dagdag niya ay kailangan daw natin ng free market of ideas at reporting on events lalung-lalo na raw sa pananaw patungkol sa nangyayari sa ating bayan.

Naniniwala raw siya na ang pagpapanumbalik ng isa sa masasabi nating magandang laban ng GMA at ABS-CBN ay nakakabuti raw sa bayan.

Apat na batas na kapareho nito ay naihain na sa House of Representatives sa ika-19th Congress pero pending pa rin ito sa House Committee on Legislative Franchises.

Sa ilang linggong natitirang session sa 19th Congress, naniniwala si Rep. Salceda na may pagkakataong maaprubahan ang batas na inihain niya.

Show comments