^

Pang Movies

Donny, gustung-gusto ang amoy ni Belle

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Donny, gustung-gusto ang amoy ni Belle
Donny Pangilinan at Belle Mariano

Sobra palang na-in love si Belle Mariano sa beach.

Oo nga at hindi raw siya beach girl, pero nang tumapak na siya sa La Union, parang ayaw na niyang umalis doon.

Sa La Union kinunan ang mga eksena nila ni Donny Pangilinan sa How To Spot a Red Flag na napapanood na sa streaming platform na Viu at ipalalabas sa free TV umpisa sa Jan. 27.

“Nag-surfing kami. Sobrang saya, Actually hindi lang ‘yung bond namin (ni Donny) ang nabuo ‘yung buong cast naging close talaga kami sa isa’t isa. Nakakatuwa nga kasi talaga na I was able to try new things talaga, out of my comfort zone. Siya kasi beach boy talaga (referring to Donny),” kuwento ni Belle sa ginanap na media conference ng How to Spot a Red Flag.

Dagdag pa niya : “I fell in love with La Union as soon as I got there. Nun nga sabi ko ang layo ng biyahe pero ‘pag nakatapak ka na, parang ayaw mo nang umuwi. It’s so beautiful and fell in love with the place, we work out, inaagahan namin ang gising namin para mag-work out.”

Nag-muay pa raw sila, dagdag naman ni Donny.

At ulit ni Belle : “I fell in love with the place, the community, everything.”

Samantala, hindi sila nauubusan ng kilig sa isa’t isa kahit na nga matagal-tagal na rin ang kanilang loveteam at nakailang serye na rin.

“Parang he always find a way na…, totoo naman, honest lang ako, na he always finds way para mapakilig ako,” kumpisal ni Belle.

“Like… kasi po palagi, since mahaba ang hair ko, it takes more time for me to dry it up, or mag-ayos, he always comes to my dressing room, just to say hi. And that makes me kilig.

“And then, minsan randomly, bigla siyang mag-o-order ng food, tatanungin niya ako,” may kilig na kuwento pa ni Belle.

Chika naman ni Donny : “Weird  ‘yung sasabihin ko kasi, the last time na kinilig ako kay Belle, it wasn’t in our scene, or anything. It was, when I saw you sa Incognito kasi nakita ko kung gaano ka kagaling,” aniya habang nakaharap kay Belle.

“Ibang klaseng kilig ito. And we watched it here (sa ABS-CBN compound), before anyone else. Gusto kong makita kung ano ‘yung…kasi wala siyang sinabi sa akin.

“Sobrang galing ni Belle. Siguro ‘yon, when I see that she does something very different, kinikilig ako. Nakikita ko kasi kung gaano kalaki ang binigay niya,” pagpapatuloy pa ni Donny kung paano siya huling kinilig sa ka-loveteam.

At para kay Belle, green flag ang young actor dahil hindi lang gwapo at matalino, generous pa. “Grabe siyang manlibre. Hahahaha! Sobrang gene­rous niya. Totoo! Totoo! I mean, minsan nagugulat ako, sinasabi ko na tama na, tama na! Grabe lagi akong busog!” kuwento ni Belle na green flag meaning ideal o perfect boyfie material o boylet.

“Pero seriously, he always makes sure that everyone’s good in the set. He always asks kung kumusta ka, how are you doing? ‘Yun ang napapansin ko talaga sa kanya,” dagdag na kuwento pa ng young actress sa media­con.

Spotted din naman ni Donny ang green flag ni Belle. “ Siguro the most random na lang. Kasi, we always say, we love our fa­mily, maka-Diyos, ganun… iba naman, ang magandang green flag ni Belle, mabango! Yes, mabango si Belinda! Iba-iba ang scent niya, depende sa occasion! Pero gusto niya ‘yung mga fresh na fruity!”

Na kahit ang mga andun ay kinilig talaga. Ibang green flag nga naman ‘pag mabango.

Umiikot ang istorya ng How to Spot a Red Flag kay Cha (Belle), isang cute at palaban na babaeng naging biktima ng catfishing. Sa kabila ng panloloko sa kanya ng good boy na si Matt (Donny) at bad boy na si JR (Jameson Blake), posible pa kaya siyang ma-in love nang maipit silang tatlo sa isang love triangle?

Mapapanood ito kada 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 simula Enero 27.

Action packed scenes ng Incognito, nag-trending na agad

Nangunguna ang pinakabagong serye ng ABS-CBN na Incognito sa listahan ng pinakapinanood na serye ng Netflix Philippines dahil sa action packed scenes ng serye at pagpapamalas nito ng ganda ng Atok, Benguet.

Bukod sa pagkuha ng No. 1 spot sa streaming platform, nakakuha rin ng lampas kalahating milyong live concurrent views (585,973) sa Kapa­milya Online Live sa YouTube ang pilot episode nito noong Lunes (Enero 20) at bumuhos ang papuri na natanggap ng serye at nag-trending ang characters at serye sa X.

Sa unang episode nito, napanood ng viewers ang madugong pagkidnap ng isang sindikato sa anak ng ambassador na si Takako Rai (Belle Mariano). Agad namang humingi ng tulong ang general kay Gregorio Tecson (Ian Veneracion) para makuha ang anak ng ambassador nang hindi pumapayag sa kondisyon ng sindikato.

Hindi naman nagpaliguy-ligoy si Gregorio at unti-unting binuo ang kanyang grupo sa katauhan nina Jose Bonifacio (Richard Gutierrez), Miguel Tecson (Baron Geisler), at Andres Malvar (Daniel Padilla).

Tutukan sa susunod na episodes kung paano pa niya mapapapayag ang mga karakter nina Kaila Estrada, Anthony Jennings, at Maris Racal na sumali sa kanilang grupo at kung paano sila magtutulungan sa una nilang misyon.

Balota ni Marian, hindi na mauulit sa Cinemalaya

Naka-schedule na sa Jan. 31 ang airing highly acclaimed movie ni Ma­rian Rivera na Balota, sa Netflix.

Written and directed by Kip Oebanda, dito tumanggap si Marian ng kabi-kabilang papuri at kanyang kauna-unahang Cinemalaya Best Actress Award.

Pinaghalong suspense, thriller, at komedya, ang Balota ay isang pangungutya na nagbibigay liwanag sa dedikasyon ng mga guro sa pangangalaga sa mga boto ng publiko sa panahon ng eleksyon.

Isinalaysay dito ang kuwento ng isang land-grabbing tycoon at isang former sexy actor na nakakulong na magkalaban sa pagka-alkalde ng isang maliit na bayan sa Pilipinas.

One of the featured full-length films during the 20th edition of Cine­malaya, Balota was a box-office hit. Its popularity led to a successful five-week commercial theatrical run due to public demand.

Bukod sa kritikal na pagbubunyi nito, pinuri ito dahil sa makapangyarihang paglalahad nito sa mga guro at sa kritikal na papel na ginagampanan nila sa pagtataguyod ng democratic integrity of elections.

Pero totoo kayang wala na talagang Cinemalaya at huling taon na ‘yung sinalihan ng Balota?

Wala na rin diumanong Virgin Lab Festival this year dahil nga malaki ang budget na natapyas sa Cultural Center of the Philippines.

Ahh meaning ‘historic’ na ang panalo ni Marian.

DONNY PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with