^

Pang Movies

Rachelle, ayaw ilantad ang mukha ng mga anak!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rachelle, ayaw ilantad ang mukha ng mga anak!
Rachelle, Martin at mga anak

Ipinaliwanag ni Rachelle Ann Go kung bakit hindi niya pinapakita ang mukha ng dalawa niyang anak sa social media.

Kung ang ibang mga celebrity parents ay proud na ipakita ang anak nila ay si Rachelle ay mas pini­ling protektahan ang mga ito.

Pino-post naman niya ang mga ito pero blurred ang mga mukha.

Sinagot niya ito sa programang Fast Talk with Boy Abunda at sinabing sa gulo ng mundo ngayon ay ayaw niyang magamit ang mga litrato ng mga ito.

Hindi na niya masyadong dinetalye ang tungkol doon pero merong ibang magulang gaya nina Ellen Adarna at Derek Ramsay na mas pinili rin munang isapribado ang mukha ng anak nila.

Nabanggit ni Rachelle na South African pala ang mister niyang si Martin Spies at nakwento niya na tatlong lengguwahe ang natututunan ng mga anak.

Uso nga raw ang pamamalo sa bansa natin pero sinusubukan daw ng theater actress-singer ang gentle parenting at inamin niyang nahihirapan siya.

Mas pinipili nga raw nilang mag-asawa na kausapin nang masinsinan ang mga anak nila kung saan apat na taon na ang panganay niya.

Nakikita nga nilang mas epektibo raw iyon.

Sa Pilipinas nagpalipas ng Pasko at Bagong Taon ang pamilya ni Rachelle Ann.

RACHELLE ANN GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with