Allen, pinaghandaan ang paghuhubad!

Allen Ansay

Aminado ang aktor na si Allen Ansay na noong una ay nako-conscious siya tuwing kailangan niyang mag-topless sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.

Isang swimmer ang karakter ni Allen na si Xavier kaya naman may mga eksenang swimming trunks lang ang suot niya.

“Actually, oo, na-conscious ako nung una kasi ito ang first time ko na mag-topless sa serye, at kaeksena ko pa dito si Sofia.

“Nung una, medyo weird ‘yung sa pakiramdam kasi maraming nakatingin, tapos gumagawa kami ng eksena habang naka-topless ako. Pero nawala din naman agad,” pahayag ng Sparkle star.

“Talagang nag-workout ako three to four times per week, at naging mahigpit ako sa diet ko. Mas maraming pagkain ng gulay at chicken breast, iwas ako sa matatamis at matataas sa fats. At talagang mineme-make sure kong matulog ng at least seven to eight hours every night.”

Euwenn, nagpangiti sa mga batang may autism

Naghatid ang Forever Young star na si Euwenn Mikaell ng mga ngiti sa mga batang may autism sa ginanap na sensory-friendly movie screening ng kanyang 2023 Metro Manila Film Festival’s Best Picture film na Firefly, kasama si Alessandra de Rossi noong Jan. 17.

Suportado ng Sparkle artist ang organisasyong Autism Society Philippines at sinabi na dapat lamang na ipagdiriwang ang mga batang may autism.

“Masasabi ko lamang ay ma-enjoy niyo ang movie at sana maintindihan niyo po ang aral sa movie na ito,” sabi ni Euwenn para sa mga special children na manonood ng Firefly.

Maituturing na ang kanyang pelikula na Firefly ay isa sa mga matagumpay niyang proyekto. Kahit na dalawang taon na ang lumipas ay patuloy pa rin itong tinatangkilik at nagamit pa bilang kauna-unahang local film na pinanood sa isang sensory-friendly movie screening.

Show comments